Chapter 36: Traped

75 8 0
                                    

"Sabi ko na nga ba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sabi ko na nga ba." Sumbat ko kay Chandrea. "May gusto ka nga sa kanya."

"H-ha?! W-wala noh!" Suway naman nya.

Pero tinitigan ko lang sya habang nakangiti.

"Fine. T-tama ka... Matagal ko ng ngang crush si Nathan." Nahiya pa nyang sabi. "Una palang, napapansin ko nang may gusto sya sayo. Pero hindi ako sumuko. Alam kong balang araw matatangay din ng hangin yung nararamdaman ko patungo kay Nathan."

"Wala syang gusto sakin. Magkaibigan lang kami. Naaalala ko tuloy nung una kaming magkakilala. Mabait lang sya sakin tsaka pala kaibigan." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ganon ba? So, secret lang natin yon ha?" Aniya.

"Oo naman." Sumbat ko.

Biglang bumukas yung pintuan at nagmadaling pumasok sina Nathan at Flame na hingal na hingal.

"May nahanap ba kayo?" Tanong ko.

"M-masyado silang marami kaya.. iisang box lang ng cookies ang nakuha ko.." Hingal na sabi ni Nathan.

"Hindi ko nahanap yung exit." Pigil hininga naman na sabi ni Flame.

"Grabe, pinapawisan na kayo." Ani Chandrea.

Lumapit ako kay Flame at hinawakan ko yung kamay nya. Umilaw na naman yung kamay ko ng bughaw at gaya ng dati.. Nagkapalit kami ni Flame ng katawan.

"A-anong!" Ani Flame.

"Nagkapalit ba kayo ng katawan?!" Gulat na sabi ni Nathan.

"Oo." Tipid kong sagot. "Sayang yung powers mo kung wala ka nang enerhiya Flame, kaya ako muna ang gagamit."

"Pero, delikado sa labas." Ani Flame.

"Walang delikado sa isang soul witch." Nakangiti kong sabi tsaka na ako lumabas ng classroom.

Actually delikado naman talaga dito kahit isa akong soul witch. Sinabi ko lang naman talaga yon para hindi sila mag-alala sakin.

May mga zombies na naglalakad sa hallway kaya tumakbo ako papunta sa kabilang hallway para magtago.

Relax Harmony.. Nasa katawan ka ni Flame kaya relax lang.. (╯^╰)

Shet! Papunta na sila dito!

Naglabas ako ng apoy mula sa kamay ko-- technically kamay pala ni Flame. At nasunog naman ang ilan sa kanila. Tumakbo ako ng mabilis at naglabas na naman ako ng apoy.

Nang medyo malayo layo na ako ay napayuko ako at napa hawak sa binti ko dahil sa pagod.

"Roar!"*

Hgh! ⊙_⊙!

Bigla akong nanginig sa takot dahil sa nakita ko.

"T-tigre!!" Gulat kong sabi.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now