Chapter 90: Answers

64 2 0
                                    


N-nasan ako?

Napatingin ako sa paligid at puro puti lang ang nakikita ko.

P-patay na ba ko?

"Hello po?!" Sigaw ko sa kawalan. At parang nag-eecho lang ito sa paligid.

"Harmony."

Napatingin ako sa nagsabi ng pangalan ko at wala naman akong nakikitang ibang tao sa paligid. P-pero...... parang pamilyar yung boses nya.

"Sino ka?!" Bulalas ko. "Magpakita ka! Hindi ako natatakot sa'yo!"

"Kahit gustuhin ko mang magpakita sa'yo ay hindi pwede. At tanging boses ko lang ang magagawa ko upang kausapin ka." Aniya.

Yung boses nya....

Isang napaka-kinis na tinig ng isang babae. P-parang dyosa.

"Bibigyan kita ng isang hiling." Dugtong nya.

Ano?

"Hiling? Yon ba ang maibibigay ng twilight orb?" Tanong ko.

"Hindi, sapagkat dalawa ang maibibigay ng twilight orb. Ang yin, na ang biyaya ay kalakasan. At ang yang, na ang biyaya ay kahilingan. Ang dalawang kapantayan na iyon ang matatanggap mo, Harmony."

Hindi ito nabanggit nina headmaster at Ms. Trina ah.

"So, pwede pa ako humiling?" Tanong ko.

"Ganon na nga." Aniya. "Isang hiling."

Isang hiling...

Isang hiling...

Isang hiling...

"Isa lang naman ang hiling ko.... Ang makasama ang totoo kong mga magulang." Sagot ko.

Ilang segundong hindi umimik yung boses. Pero nagpatuloy din ito sa pagsasalita.

"Ang iyong hiling ay natupad na. Ang yang, ay naibigay na. Isa sa araw ngayong linggo ay makikita mo na ang hiniling mo. At ngayon, kunin mo muna ang yin, ang kalakasan."

"Sandali!" Sigaw ko ng magdilim ang paligid.

Wala na yung boses.

Nakakabingi ang katahimikan.

Natatakot ako sa sobrang kadiliman.

Mas nagulat ako ng biglang lumutang ang isang kulay bughaw na ilaw. Kulay pula naman ang sumunod. Tapos kulay ginto, kulay dilaw, kulay lila, at kulay kahel.

Lumulutang sila at iniikot nila ako.

At sabay-sabay silang pumasok sa loob ng katawan ko.

'Kalakasan'

'Kalakasan'

'Kalakasan'

Rinig kong bulong ng isang boses ng isang bata.

At....

Pagmulat ko.

Natagpuan ko ang sarili kong nakaluhod sa harapan ni Ms. Trina.

"Ilang oras akong napaupo?" Tanong ko.

"I think its seven seconds Ms. Laveu." Sagot ni Ms. Trina.

Pitong segundo?

Sa tingin ko iba ang oras sa lugar na napuntahan ko kanina. Ang puting mundo na ang tinatawag na yin, at ang madilim na mundo na ang tinatawag na yang.



St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now