Chapter 87: The Result

46 1 0
                                    


Harmony's PoV

Isang kalaban na lang ang natitira pero pula pa din yung kulay ng kwintas nya. Tapos dalawa kami ni Raven at parehas kaming kulay dilaw ang kwintas.

"Kaya natin to." Bigla kong sabi.

"Syempre naman noh. Nasa finals na tayo, at ilang stage na ang nadaanan nyo ng wala ako. Alangan namang palalampasin nyo lang yon." Sagot ni Raven.

Tama sya.

Para to sa mga kasama kong lumaban sa grand prix. Si Amy na itinuring kong kapatid, si Nathan na itinuring kong boy bestfriend, si Raven na itinuring kong tagabigay ng pag-asa. Si Flame na itinuring kong...... mahal? B-basta para sa kanilang lahat to.

At syempre..... para to kay Chandrea. Ang pinakamabait at pinaka-cute kong myembro na itinuring ko na ding kaibigan. Hinding-hindi ko sya makakalimutan.

Naging makulay ang mundo ko ng makilala ko sila. Ng makilala ko sila dito sa St. Marie Academy.

"Ano lalaban ba tayo o hindi?" Tanong bigla ni Raven.

Oo nga pala.

"S-sorry, may naisip lang ako." Sagot ko.

Napatingin ako kay Ms. Maureen at mukhang may iniisip din. Ngunit natauhan din bigla ng makita nya ako.

Ako na sana ang lalapit sa kanya pero sya ang lumapit samin.

Tumakbo sya ng napakabilis at umilaw ang dalawa nyang kamay ng kulay ginto. Huli na ng depensahan ko ng water shield ang mga katawan namin ni Raven dahil sa sobrang bilis nya.

Napapikit ako ng mapagtanto kong hindi si Raven ang aatakihin nya, at walang iba kundi ako. At bago ko pa maramdaman ang mga palad ni Ms. Maureen, nakarinig ako ng mga pighati mula sa mga studyante.

"Raven Ramirez is out! She risked her game-life necklace to Harmony Laveu!" Narinig kong sigaw ni Ms. Phara.

Minulat ko ang mga mata ko at nasa gitna namin ni Ms. Maureen si Raven. B-bakit nya yon ginawa?

"Sa tingin ko, mas kaya mong labanan si Ms. Maureen kesa sakin." Nakangiting sabi ni Raven. "Don't worry, I believe in you-- No, Team Harmony believes in you."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Raven. At hindi ko alam na ganon pala kalambot ang puso nya sa kapwa nya tao.

Hindi ko namalayang umalis na si Raven sa arena.

"She gave you a very nice motivation." Biglang sabi ni Ms. Maureen, ngayon nya lang ulit ako kinausap pagkatapos ng isang buwan. "But that won't give you power to stop me. Even though you're a soul witch. Someone like me can surely defeat you."

Bigla akong nasaktan sa sinabi ni Ms. Maureen. Para hindi sya yung dating SSG president na nakilala ko. Mabait sya at matulungin sa mga kapwa nyang studyante at palaging nagbibigay ng solusyon sa mga problema.

Ngayon, hindi ko na sya kilala.

"Hoy! Wag kang OA Maureen!" Biglang sigaw ni Ms. Phara ng walang micropono. "Alam mo! Mas dapat manalo si Harmony dito dahil mas maganda ang ugali nya kesa sayo! Kala mo ikaw ang pinakamatalino sa section natin pero guess what?! May papantay din sayo!"

Wow ha.

Si Ms. Phara ba talaga yung nagsasalita?

"Don't worry Harmony! You can do this! Go Harmony! Go Harmony! Go Harmony!!!" Sigaw ni Ms. Phara. Sumasabay na din yung mga kasama kong katabi nya.

Awww, nakaka-heart warming at nakakahiya at the same time. Hahaha---

Natauhan ako bigla ng tumakbo si Ms. Maureen ng mabilis palapit sakin.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now