Chapter 50: Third Stage

90 9 0
                                    

"A-ano?" Gulat kong sabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"A-ano?" Gulat kong sabi.

"G-gusto kita Harmony..." Aniya tapos namumutla pa. Ang cute!!! >.<

Di ko din mapigilang mamutla.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko.

"Muka ba akong nagjojoke?" Nakangiti pa nyang sabi. Shet ang gwapo. "Hindi ko alam pero... una palang kitang makita sa local campus ng St. Marie, napangiti mo na ako. Naaalala mo pa ba nung una tayong magkita tapos bigla tayong nagkapalit ng katawan? Grabe. Nakakaintriga talaga yung araw na yon. Tapos nung natagpuan nyo kami ni Nathan na nag-uusap sa isang restaurant noon sa second stage..."

Throwback.

Flame's PoV

"Subukan lang saktan ng Francois na yun si Harmony. Baka masaktan ko pa ang babaeng yon." Kunot noo kong sabi.

"May gusto ako kay Harmony." Biglang sabi ni Nathan.

Nagulat ako sa sinabi nya dahil pareho pala kami ng nararamdaman.

"Pero alam kong ikaw ang gusto nya..." Aniya.

"Ako? Kalokohan." Nakangisi ko pang sabi.

Hinding hindi ako magugustuhan ng babaeng mahal ko dahil sa cold na ugali ko.

"Seryoso ako. Kahit na wala na akong pag-asa sa kanya, pipilitin ko pading magtapat sa kanya."

"Sayo na sya. Alam ko naman na hindi nya din ako magugustuhan--"

Nagulat ako ng ibagsak ni Nathan yung baso sa mesa ng napakalakas.

"Gago ka ba? Wag kang magsalita ng mga walang kwentang bagay dahil nakikita ko sa mata mo nagusto mo sya. At nakikita ko din sa mga mata nya na gusto ka nya. Swerte mo nga dahil ikaw ang nakakuha sa puso nya, kaya wag kang magyabang. Mahalin mo sya dahil iilan na lang ang ganyang babae. Kaya, tatanggapin ko lahat makita ko lang syang nakangiti. Kahit na... Ikakasakit ng puso ko..."

End of Throwback.

Harmony's PoV

"Kaya minahal kita ng buong puso dahil sa sinabi ni Nathan. Naniwala ako na may pag-asa pa ako... na may pag-asa pa akong mahalin ka."

Di ako makagalaw sa sinabi ni Flame sakin. Parehas pala kami ng nararamdaman...

"Gusto sana kitang... ligawan." Ani Flame. "Kung pwede lang sana..."

Anong isasagot ko?

Yes or No?

Yes? No? Its a yes.. No! I mean yes pala... no--- Ano ba talaga Lord?!!! T_T

"Pwede ko ba munang pag-isipan?" Tanong ko.

"Sige okey lang." Aniya tsaka na sya ngumiti.

"Grabe andito lang naman pala kayo!! Kanina pa namin kayo hinahanap!!" Galit na sabi ni Amy.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now