Chapter 72: Searching For Answer

57 7 3
                                    

"Kung iyon ang gusto, edi sige

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Kung iyon ang gusto, edi sige. No problemo." Seryosong sabi ni Raven.

"Yes!" Sigaw naman ni Amy.

"Pero bago muna natin kunin yang eyeglasses nayan. Dapat mag-research muna tayo kung paano gamitin yan."

"Magandang idea yan, Harmony." Ani Flame. "May laptop ba kayo?"

"Baka si Raven meron." Dugtong ko.

"May pambili ba ako ng laptop?"

"Ah, s-sorry." Sagot ko kay Raven. "Hindi ko sinasadya."

"Okey sana kung flashlight o di kaya papel. Pero laptop? Hay, wag na kayong umasa." Sagot ulit ni Raven.

"Nathan, asan yung laptop mo? Kukunin namin ni Harmony." Ani Amy.

"Nasa kwarto ko, magtanong na lang kayo dun sa mga maids kung nasaan."

"Okey, tara na beshy." Yaya ni Amy...

Pero nagaalinlangan akong pumunta ulit sa bahay nina Nathan. Lalong-lalo na pag hindi ko kasama si Flame. S-siguro na tro-trauma na ako dahil sa nangyari a while ago.

"Naiintindihan ko ang reaksyon ni Harmony kaya sasamahan na lang kita." Biglang sabi ni Raven.

"Walang problema, pero saan tayo aakyat?" Tanong ni Amy.

Tumakbo bigla si Nathan papunta sa gilid ng isang pader. May lever pala sa gilid. Hinila ito ni Nathan pababa at bumukas bigla yung pader. At isang hagdanan ang nasa loob nito.

"Sandali." Pigil ni Flame.

"Bakit?"

"Laptop ba talaga ang kailangan natin? O yung librong susi ng lugar na'to."

Napatigil kaming lahat dahil sa sinabi ni Flame, dahil alam namin na tama na naman sya.

"Okey, diba nasa garden nyo parin yon?" Tanong ni Raven kay Nathan.

"Oo, akyatin nyo lang to at mapupunta agad kayo sa parking lot ng mansion namin." Turo ni Nathan. "Again, just ask the maids if you need help. Am I clear?"

"Its crystal clear." Sagot naman ni Raven tsaka na sila umakyat ni Amy sa hagdan.

Two boys and one girl left huh.

Creepy.

"Wag kang mag-alala. Hindi kita gagalawin." Natatawang sabi ni Nathan.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako natuwa sa sinabi nya. Natakot nga ako eh.

"Bakit yon ginawa ng kapatid mo?" Kunot-noong tanong ni Flame.

"First of all, ako na ang magsosorry sa ginawa ng kuya ko sayo Harmony. I'm really sorry. Sorry, sorry, at sorry talaga--"

"Iyon lang?" Sumbat na naman ni Flame.

"Wait lang kasi bro, ang advance mo kasi masyado." Sagot naman ni Nathan. "Matagal na kasing may gusto sayo yung kuya ko, Harmony."

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon