Chapter 54: No Way

70 9 0
                                    

Biglang tumulo ang mga luha ko ng makita ko sa mismong dalawang mata ko ang katawan ni Chandrea na naka nakatihaya na sa ibaba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Biglang tumulo ang mga luha ko ng makita ko sa mismong dalawang mata ko ang katawan ni Chandrea na naka nakatihaya na sa ibaba.

Napatingin ako sa nagsalita at yon pala ay si Nathan na umiiyak. Tumalon din sya sa rooftop pero lumutang sya sa ere palapit kay Chandrea.

Agad naman akong tumakbo pababa at ganon din si Flame at Amy.

Hindi-hindi-hindi to totoo. Panaginip lang to! Hindi yon magagawa ni Chandrea. Hindi nya kayang mag.... pakamatay...

P-pero... Nagawa na nya...

Tumakbo ako ng mabilis palapit sa kinaroroonan ni Chandrea. Hindi ko na maramdaman ang pagod at panginginig ng mga binti ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi to pwede.

"Chandrea! Please gumising ka!" Sigaw ni Nathan.

Napahawak ako sa bibig ko at patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko. At dahil sa mga bagay at pangyayaring umiikot sa utak ko, di na tuloy ako makapagsalita.

"No." Naiiyak na sabi ni Amy. Umiyak na din sina Amy at Flame dahil sa nangyari.

"Harmony.."

Napatigil ako dahil sa tumawag sakin. Tumingin ako sa buong paligid kung sino ang nagsabi non at wala naman akong nakitang nagsalita.

"Meron bang tumawag sakin?" Tanong ko.

"Ano?" Ani Amy.

"W-wala." Sagot ko.

"Harmony nandito ako..."

Tumalikod ako at halos tumayo ang mga balahibo ko ng makita ko ang kaluluwa ni Chandrea.

"Gusto ko na sanang magpaalam, Harmony."

"Magpaalam? Sa tingin mo ba madali yon para samin Chandrea? Lalong lalo na si Nathan." Sagot ko.

"Wag ka nang umasta Harmony na parang ikaw ang inosente rito. Dahil sayong sayo na si Nathan." Ani Chandrea na ikinagulat ko.

Hanggang ngayon pa rin ba, ganyan pa din ang tingin nya sakin?

"Chandrea alam mong wala akong gusto kay Nathan." Naiiyak ko pa ding sabi.

"Done is done. Patay na ako. Pakisabi na lang kay Nathan na mahal na mahal ko sya. Walang araw na hindi ko sya inisip at araw-araw ko syang ipagdadasal at poprotekhan. Tsaka, Nagparamdam lang naman ako sayo para magpaalam. At wag mo sanang isipin Harmony na nagtanim ako ng galit sayo dahil hindi ikaw ang dahilan sa pagkamatay ko..." Ani Chandrea tsaka na sya unti unting naglaho.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now