Chapter 79: A Burning Heart

58 2 0
                                    


Flame's PoV

Nagising ako dahil sa calling alarm ng laptop ko.

At sino naman ang tumatawag?

Pinunasan ko na ang mga luha ko at bumangon sa kama, tsaka ko na binuksan yung laptop.

Sina nanay at tatay tumatawag-- I mean, gusto nilang makipag-video call.

Napatingin ako sa isang maliit na salamin na nakapatong sa mesa ko, at hindi naman halatado ang pamamaga ng mga mata ko.

Kaya pinindot ko na agad ang accept button.

"Hi nay, hi tay." Magalang kong bungad.

"Nak, tapusin mo na yang pag-aaral mo dyan sa St. Marie para makasama ka na namin dito." Sabi ni nanay na may paglalambing.

"Kukuha na sana kami ng passport mo dun sa agency." Sabi naman ni tatay.

"Nay, Tay. Limang buwan pa po bago ako ga-graduate." Sagot ko.

"Maayos ba ang buhay mo dyan nak? Sapat ba yung ipinapadala naming pera?"

"Ayos naman po ang buhay ko dito nay, tsaka sakto lang po yung ipinapadala nyo." Sagot ko.

Kahit na ang totoo ay... wasak na ang buhay ko dito at hindi sapat ang perang ipinapadala nila sakin. Hindi naman ako magastos pero... nagmamahalan na kasi ang mga presyo ng mga retails.

Tsaka ayokong maging pabigat sa kanila kaya nagtitipid na lang ako.

"Nag-absent ka ba ijo? Tuesday ngayon dyan diba?"

"Ah... m-masakit po kasi yung ulo ko tay kaya nag-absent po muna ako."

Kahit na ang totoo ay... nahihiya akong pumasok ngayon sa St. Marie.

"Hala, baka magkalagnat ka nyan. Magpapadala na kami ng nanay mo ng pambili mo ng gamot."

"Nako tay wag na. Konting sakit lang to sa ulo. Alam nyo na sobrang daming assignments tsaka priorities sa school." Sagot ko.

Actually wala naman talaga akong ginagawa masyado bilang classroom president.

"Wala ka bang mga kaibigan dyan hanggang ngayon anak?" Nag-aalalang tanong ni nanay.

Simula kasi first year hanggang second year ko sa St. Marie, wala akong kinilalang kaibigan. Pero ngayong third year, nakilala ko sila.

"Meron na po nay, apat na mababait at may amats na kaibigan." Sagot ko, hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.

"Eh girlfriend, meron na ba ijo? Imposible naman siguro kung wala eh napaka-gwapo mo at napaka-talino mo naman." Asar ni tatay.

"W-wala pa po pero crush meron, kaso baka hindi nya po ako gusto dahil sa ugali ko." Sagot ko.

Pero ang totoo... hindi na ako makapaghintay na ipakilala sya sa inyo. Pero, hindi pa kasi kami.

"Nako, magugustuhan ka din nya nak. Basta sabihin mo lang yung nararamdaman mo sa kanya at mamahalin ka din nya ng totoo."

Napatigil ako sa sinabi ni nanay. Mamahalin pa rin ba ako ni Harmony kahit nagkamali ako?

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now