Chapter 45: Heartache

77 9 2
                                    

"Brother

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Brother." Dugtong ni Mama.

"Sorry po pero hindi ko yan kapatid." Sagot ko tsaka na ako umalis at dumiretso sa kwarto ko.

Ni-lock ko yung pinto at lumapit ako sa working table ko. Nandito pala yung libro ng tunay kong ama. Ang ama kong si Headmaster Peter.

Binuksan ko yung libro at nagsimula akong magbasa.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo yung mga luha ko... Ang sakit. Napakasakit.

Ang sakit sa puso na alam kong hindi ako myembro ng pamilya nila at nagaasam parin ako ngayon na magkakaroon kami ng masayang pamilya...

Ang sakit isipin na parang hindi ka myembro ng pamilya nyo...

Pinunasan ko na yung luha ko para ituloy ang binabasa ko.

Nagulat ako ng gumalaw yung tulo ng luha ko sa pahina ng libro. Nagfoform ito na parang isang sulat.

'The sad soul blooms with a sad tears. It creates a story, a book. And this is... The book of soul'

The book of soul?

Iyon ba yung title ng librong to? The book of soul... The book of a sad soul?

"Oo yan nga yung title ng librong yan..."

Hgh!!

"Sino ka?!" Gulat kong sabi.

Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko at wala namang tao.

"Ako to, si Mira. Yung water witch na nakilala mo noon sa rooftop."

"Mira? Nakakausap kita pero.. Andito ka lang sa loob ng katawan ko nakakulong."

"Ano ka ba, pwede akong magsalita sa isipan mo. Diba sabi ko sayo noon.. tutulungan kita sa problema mo dahil ikaw ang... Master ko."

"So anong maitutulong mo sa problema ko?" Tanong ko.

"Ako."

"Waaaaaaahomaygad!!" Isa na namang multong babae ang nagpapakita sakin!!! O_O!!

"Ako si Gold. Isang time witch. Actually, isa din ako sa mga zombies noon sa second stage na nakalaban mo."

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now