Chapter 76: The Rivals

53 5 0
                                    

      We forgot to give you these, your very own PPE suit. There are also some of necessary needs we put on this backpack. That's all and Goodluck.

-Faculties

Sinuot na nga namin yung PPE suits na nasa loob ng backpack. Tiningnan na din namin yung mga ibang nailagay at puro mga basic needs nga gaya ng flashlight, lighter, map, compass, atbp.

"Buhatin mo na Flame." Utos ko, at sinunod naman ni Flame.

May naka lagay ding kumot dun sa backpack kaya ibinigay na lang namin kay Zoe. Kawawang bata, parang nilalagnat na binabangungot.

"Ayun may kweba!" Turo ni Nathan, di kalayuan.

Walang reaksyon kaming dumiretso dun sa kweba.

Kumuha sila Raven ng dahon ng saging para gawing higaan ni Zoe. Naglabas naman si Flame ng apoy at itinapon doon sa mga kahoy na kinuha namin ni Amy, para hindi lamigin sina Zoe.

No need na ang lighter.

"Harmony, magbigay ka pa nga ng mga detalye tungkol sa sakit nung bata." Tanong bigla ni Raven.

"Uhmm... hindi ko alam kung ano yung sakit nya eh. Sorry. Basta ang alam ko lang, rare diseased daw." Sagot ko naman.

"Flame and Nathan, maiwan muna kayo dito. Kaming mga babae na lang ang maghahanap ng tamang ingredients." Request ni Raven.

"Aba hindi pwede!" Tutol ni Nathan. "Kaming mga lalake dapat ang maghahanap."

"Eh ano ang maitutulong mo? Maglabas ng hangin dun sa gubat?" Sumbat maman ni Amy kay Nathan.

"Mas may alam si Flame sa mga ingredients dahil magaling sya sa physics." Bigla kong sabi. "Kaya si Flame na lang ang sasama sa inyo."

"Sure ka?" Tanong ni Flame na may pag-aalala.

"Oo, wag mo na akong intindihin." Sagot ko tsaka ko hinawakan ang kamay nya para ipakita na magiging okey ako.

"Oo na kayo na ang sweet tara na!" Kunot-noong sabi ni Raven.

Umalis na sina Raven at Amy kayaya sumama na din si Flame.

"Tsk. Ang unfair." Galit na sabi ni Nathan.

Natawa ako sa itsura nya kasi para syang bata na pinagalitan ng nakakatanda.

"Waaaaaaahahaha!!!"

Parating na ang reyna.

"Poor Harmony, matatalo na lang sila ng hindi lang man kami lumabas ng ni-isang butil ng pawis! Waaaahahaha!" Bungad ni Ms. Phara.

"Anong kailangan mo dito? Wala dito yung hinahabol mo." Kunot-noo kong sumbat.

Kasama nya pa yung apat nyang myembro. Sino kaya yung pasyente nila? Tsaka sino yung nagbabantay?

"We need that girl." Sagot nya sabay turo kay Zoe.

"Well, you need to fight us first." Sumbat naman ni Nathan. "Harmony, ilayo mo na yung bata. Ako na ang bahala dito."

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now