Chapter 27: Harvesting

79 10 0
                                    

"Waaaaaaaah! Ahas!" Di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Waaaaaaaah! Ahas!" Di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.

Bigla kasing nahulog ang isang ahas mula sa puno na nasa tapat namin.

"Waaaaaaah!!!" Sigaw naman ni Chandrea.

Si Nathan at Flame naman napaatras.

"Geeeez, nakalimutan nyo na ata na may kasama kayong animal witch." Ani Amy.

Oo nga pala. -______-

"Naliligaw ka ba kaibigan?" Tanong ni Amy sa ahas.

Nagulat na lang kami ng biglang gumapang ang ahas patungo sa braso ni Amy.

Grabe nakakatakot!

"Hindi sya nangangagat. Mabuting ahas sya." Ani Amy. Hay, nakahinga na din kami ng malalim.

"Tara na nga sa last subject natin. Malelate na tayo nyan." Sabi ni Nathan tsaka na sya tumayo. Tumango na lang kaming lahat tsaka tumayo.

Ang sarap pa namang umupo dito sa bench habang tinitignan yung buong park.

Pagdating namin don ay sakto magsisimula palang yung klase. Kaya umupo na agad kami. Hanggang sa matapos ang buong klase at sabay-sabay na kaming umuwi.

Hindi na ako makakasabay sa kanila at alam na nila yon. Kaya nagpasundo na ako kay manong Luis.

Pagdating ko sa bahay ay nagpalit na agad ako ng damit tsaka ako dumiretso sa kwarto nina mama at papa.

Day off kasi nila ngayon.

"Mama.. Papa.." Sabi ko sabay katok sa pintuan.

Binuksan na ito ni papa. "Anak may problema ba?"

"Pa, gusto ko po sanang hingin ang permission nyong magtrabaho ako sa isang flower shop." Mahinahon kong sabi.

"Bakit anak? Hindi ba sapat yung binibigay naming pera sayo?" Ani mama.

"Hindi po yon yung rason Ma. Gusto ko lang pong makasama yung mga kaibigan ko." Nakangiti kong sabi habang nakayuko. Nahihiya kasi ako.

"Sige, kung yan ang ikasasaya ng prinsesa namin... papayag na kami ng mama mo." Ani papa.

"Talaga Pa?!" Grabe hindi ako makapaniwalang pumayag sila.

"Hindi naman kasi pwedeng lagi kaming over protective sayo anak." Sabi uli ni mama.

"Thank you ma, pa." Sumbat ko tsaka ko na sila yinakap.

Pumunta na agad ako sa parking lot namin at kinuha yung kotse ko.

Medyo malayo layo na kasi yung flower shop dito kumpara nung nasa condominium pa ako.

***

"Harmony!" Biglang sigaw ni Chandrea pagdating ko.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now