Chapter 60: It All Make Sense

56 7 0
                                    

Inexplain agad ni Ms

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Inexplain agad ni Ms. Maureen ang lahat ng nangyari kung bakit namin ninakaw ang kanyang gintong bote. Ang paghingi namin ng tulong sa kanya, ang rason kung bakit ayaw nya kaming tulungan, at ang pagbabago ng isip nya dahil gagawin daw lahat ni Ms. Maureen matulungan lang lahat ng nangangailangan ng kanyang tulong.

"Kung ganon Ms. Laveu, bakit nyo pa dinadamay dito ang yumaong si Ms. Chandrea Smith." Ani headmaster.

"Kailangan po namin ng sapat na rason kung bakit sya nagpakamatay." Sagot ko.

"Natulungan na kami nina Ms. Maureen at ipinakita na nya samin ang katotohanan mula sa nakaraan ni Chandrea." Dugtong ni Amy.

"At walang ibang may kasalanan nito kundi ang leader ng Team Calamity na si Calamity Mary." Dugtong din ni Flame.

"Baka naman hindi lang kayo maka move-on sa pagkatalo nyo kaya nagbibintang na kayo ng ibang tao." Ani Ms. Trina.

Nagbibintang talaga.

"Ipapakita ko sa inyo kung ano talaga ang nangyari sa pagkamatay ng kaibigan nila." Seryosong sabi ni Ms. Maureen.

Itinaas nya ang kanyang kanang kamay at biglang nagliwanag ang kanyang palad. Napapikit kaming lahat dahil sa ilaw ng liwanag. Hanggang sa unti-unti din kaming nagmulat ng mata.

N-nasa nakaraan kami! P-pero paano?

Bigla kaming napadpad sa isang pamilyar na restaurant, at natagpuan naming nag-uusap sina Mary at Chandrea. Hindi nila kami nakikita dahil parang mga multo lang kami na nanunuod. Ako, si Flame, si Amy, ang buong Team Tenoji, ang Team Phara, si headmaster Grim at ang school principal na si Ms. Trina.

Nagulat kaming lahat ng may inilabas na litrato si Mary--- T-teka...

"Nakita kong naghalikan si Harmony at Nathan." Biglang sabi ni Mary.

Hindi yan totoo.

"H-hindi yan totoo! Maniwala ka Chandrea!" Sigaw ko kahit alam kong nasa nakaraan lang kami.

"H-hindi yan totoo." Sagot ni Chandrea.

Tama. Ni minsan, hindi pa kami naghalikan ni Nathan. Ang sama-sama mo talaga Calamity Mary, sinasaktan mo ang kaibigan ko...

Biglang nag-iba ang lugar, gaya ng nasa pelikula na lumipat sa isang scenario. Nasa likuran kami ng restaurant at may kinakausap si Mary na isang hindi pamilyar na lalake.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo, Calamity Mary?" Tanong ng lalake.

"Madali lang ang ipapagawa ko sayo, magpapanggap ka lang na isang businessman at sisingilin mo yung tatay ni Chandrea ng malaking pera. Ipamuka mo na nagkaroon sila ng utang at malapit nang malugi ang kanilang kompanya. At kapag nagsumbong na si Chandrea sa pulis, bubugbugin mo yung tatay nya hanggang mawalan na ito ng hininga."
"P-paano pag nahuli ako?"

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now