Chapter 51: Loss

69 9 0
                                    

Nakailag kaming lahat at nagulat ako ng may biglang yumakap sakin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakailag kaming lahat at nagulat ako ng may biglang yumakap sakin.

Pagbangon ko ay si... Flame pala ang yumakap sakin.

"Okey ka lang?" Tanong pa nya.

"Oo, okey lang ako. Ikaw, okey ka lang ba?" Tanong ko.

"Okey lang ako pag nakikita kitang okey." Nakangiti nyang sabi. Yumuko naman ako para itago yung reaksyon kong kilig na kilig.

"The boat is sinking!" Sigaw ni Amy.

"Then... group yourselves into... Two?" Ani Nathan.

Nagulat kaming lahat ng biglang suntukin ni Amy si Nathan tsaka ito nahulog sa dagat.

"Nathan!" Sigaw ni Chandrea.

"Bubugbugin ko tong lalaking to!!!" Galit na sabi ni Amy. Pero pinigilan namin sya. "Bitawan nyo ako!"

Lumutang si Nathan mula sa dagat at hingal na hingal syang bumalik sa bangka.

"Amy bakit mo ba to ginagawa!" Galit na sabi ni Chandrea.

"Hoy! Napaka pilosopo ng napakagago mong boyfriend!" Ani Amy.

"Wag kayong mag-away! Lumulubog na nga yung bangka!" Sigaw ko.

Tinuloy lang ni Flame yung pagsasagwan at nakarating din kami sa Mt. Marie.

"Bilisan natin!" Sigaw ni Flame.

Binilisan naman naming tumakbo paakyat sa Mt. Marie.

"Hindi ko kayang umakyat!" Sigaw ni Chandrea.

"Only 45 minutes na lang guys!" Ani Amy.

"Ako na bahala kay Chandrea." Ani Nathan.

"Tsk. Lagi na lang nahihirapan si Nathan dahil kay Chandrea." Kunot-noong sabi ni Amy.

"Wag mong sabihin yan, baka marinig ka pa nila eh." Sumbat ko.

Binuhat ni Nathan si Chandrea tsaka sila lumipad papunta sa tuktok ng Mt. Marie.

Wow. Galing ah. -______-

"Hawakan nyo ako." Ani Amy.

Sinunod naman namin ni Flame ang utos ni Amy.

"Pumikit kayo." Ani Amy.

At pumikit naman kami.

Wala pang limang segundo ay minulat ko na ang mga mata ko at...

"Waaaaaaaaah!!" Sigaw ko.

Shet! Naging agila kaming tatlo!

"Lumpiad na tayo." Ani Amy.

Lumipad naman kami at woah. Hindi ko inaakala na magiging isa akong ibon at makakalipad ako ng ganito.

Pagdating namin sa tuktok ng Mt. Marie ay biglang umulan ng yelo. Agad naman kaming bumalik sa pagiging tao.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now