Chapter 53: Unexpected

68 8 0
                                    

Harmony's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Harmony's PoV

"Siguraduhin mong walang masamang mangyayari kay Chandrea." Pagmamakaawa ko kay Nathan.

"Oo naman. Mahal ko sya eh." Aniya tsaka na sya umalis.

Masaya ako dahil sa wakas ay nahulog na din si Nathan kay Chandrea. Actually, parang tumalon na nga sya eh. Mahuhulog din naman sya diba? Kaya tinalon na nya.

"Uuwi na din ako, Harmony. Anniversary pa kasi namin ni Drei eh. Sorry." Malungkot na sabi ni Amy.

"Okey lang." Nakangiti kong sagot.

"Ikaw na muna ang magbantay kay Flame ha. Sige bye na." Ani Amy tsaka nya ako yinakap.

"Bye, happy anniversary." Sagot ko bago pa sya makaalis.

"Thank you." Aniya tsaka na sya umalis.

Andito na kami ngayon sa ospital namin. Ang Laveu General Hospital. Inilipat na namin si Flame kanina dito kaya medyo okey na sya sa kalagayan nya. Hindi kasi kami nauubusan ng mga medical supplies dahil mataas ang expectations ng mga tao dito sa ospital namin.

Biglang gumalaw yung kamay ni Flame at ipinatong nya ito sa kamay ko.

Nagkamalay na sya?!

"Umalis na sila?" Aniya. Tapos nakangisi pa. Agad ko namang inilayo yung kamay ko.

Kung wala lang sigurong sugat to, matagal ko na tong binugbog. Sa tingin nya kinilig ako dun sa plano nya?

"Wow. Nagawa mo pa talagang magbiro." Sarcastic kong sabi habang naniningkit ang mga mata ko.

"Hindi naman ako nagbibiro ah. Tsaka kagigising ko lang naman. Sakto lang kasi paalis na sila Nathan at Amy." Aniya.

"So kasalanan ko pa?"

"Hindi naman sa ganon. Ito naman di man lang magawang ngumiti." Aniya na ikinatigil ko. "Miss ko na yung dating ikaw. Yung laging nakangiti."

"Flame, alam mo namang namomroblema pa ako."

"Alam ko naman yun eh. Tapos... hindi ka pa sumasagot sa tanong ko." Aniya.

"Anong tanong?" 

"P-pwede na ba kitang ligawan?"

"Ayoko." Tipid kong sagot. Biglang sumeryoso ang kanyang muka dahil sa sinabi ko.

"Okey lang... alam ko naman eh. Hindi mo naman talaga ako gusto."

"Sorry talaga---Joke!! Waaaaahahaha!!! Di man lang mabiro!" Sabi ko habang tumatawa. "Oo na, payag na ako."

"T-talaga?"

"Yes Flame."

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Yes!!!" Sigaw nya. Mabuti at nasa private room kami kundi nagising na lahat ng nandito.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now