Chapter 83: New Friends

44 3 0
                                    


"I'm Kalisa. And I'm an ice witch. A witch also just like you all." Nakangiti nyang bati. "You must be foreigners."

"A-are you a fan of the movie called frozen?" Tanong ni Amy.

Natawa ako ng konti sa sinabi ni Amy. Halos magkaparehas kasi sina Kalisa at Elsa ng damit. Kaso nakahawak lang si Kalisa ng trident na gawa sa makapal na yelo. At nakasuot ng isang iced-gem necklace sa kanyang leeg.

"Movie? Is that a food?" Nagtatakang tanong ni Kalisa.

At base sa kanyang itsura. Mukhang hindi sya nakikisalamuha sa mga mortal na tao at hindi pumupunta sa mga matataong lugar.

"Nakalo na tayo sa inn." Biglang bulong ni Flame.

"Sundin na lang natin yung mga footprints natin pag uwi." Sagot ko.

Yung umaasa na lang kami sa mga footprints namin hahaha.

"By the way, how did you know that we are also witches just like you?" Nagtatakang tanong ni Raven.

"Before I answer that... follow me." Sagot ni Kalisa.

Nagsimula syang maglakad at sinundan lang namin sya. Ngayon ko lang din napansin ang witch hat mula sa kanyang ulo na nagsisimbulong kauri namin sya.

Tsaka magkaparehas pala sila  ni Lorane, yung isang myembro ng Team Francois. Yun nga lang, magkaiba sila ng ugali.

Pagkatapos ng ilang minuto, biglang tumigil si Kalisa sa harapan ng isang higanteng bato na napapaligiran ng matitigas at matutulis na yelo sa itaas nito.

Umilaw ng kulay asul ang kanyang kamay ng hawakan nya yung bato. At bumukas naman yung bato.

Nagulat kaming lima ng pumasok kami sa loob. Parang nasa loob kami ng isang napakalaking igloo. Na napapaligiran ng mga makikinang at makikintab na ice crystals.

"I really love decorating my home... So, its kinda over design." Sabi ni Kalisa.

"Here I'll stand... and here I'll stay..." Bulong ni Amy habang kumakanta. "The cold never bothered me anyway..."

"Lumilindol yata--- aray!"

"Panira ng moment ka kasi!" Sagot ni Amy matapos nyang batukan si Nathan.

"Bakit? Inaasar lang naman kita ah! Tsaka ang bilis mo kasing mapikon! Hindi ko nga alam kung bakit kinakaya ni Drei yang ugali mo!"

"Guys." Awat ko. Pero mukhang ayaw nilang magpaawat.

"Wow! Nahiya naman ako sayo! Ni hindi ka nga enough na rason para piliin ni Chandrea mabuhay! Hindi ka kasi sapat para maging boyfriend ni Chandrea!"

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Amy. She already crossed the line.

Napatingin ako kay Nathan at kitang-kita kong nasaktan sya sa sinabi ni Amy.

"Is there something wrong?" Biglang tanong ni Kalisa.

"They're just... Rehearsing a play." Sagot ni Flame.

"Okey, stay here for a while and I'll make you a hot chocolate." Sagot ni Kalisa tsaka sya pumasok sa isang ice door.

Umupo kaming lahat sa isang isang sofa na gawa sa yelo na nababalutan ng isang bear fur na kumot.

Naging awkward tuloy.

"Bakit ba kasi kayo nag-aaway? Para kayong mga bata." Kunot-noong sabi ni Flame.

"Mag-sorry kayo sa isa't-isa." Dugtong ko na may pagka-awtoridad ang boses. "Diba ako ang leader dito? Mag-sorry kayong dalawa."

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now