Chapter 82: The Pole

49 2 0
                                    


"Sorry sa mga sinabi ko sayo kanina." Sincere kong sabi.

"Ako dapat ang mag sorry. Kasi nagiging pabigat na ako sa grupong to." Sagot naman ni Flame.

"Hay, kung ano-ano kasi ang sinasabi mo. Kumain ka na nga." Sumbat ko.

Kinuha ko yung soup sa mesa na binili ni Nathan kanina. Tsaka ko sinubo sa kanya.

Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Ms. Forestier sa garden, nagpaalam na ako para bumalik dito kay Flame para mag-sorry.

At ayun, pagbalik ko ay nadatnan ko na sina Amy at Raven. Bumalik na pala sila at heto, naglalaro na silang dalawa ng board games.

"Alam nyo, nakaka-inggit kayong dalawa. Kung bugbugin ko kaya si Drei para mapakain ko sya dito sa ospital."

Tumawa kami ni Flame sa sinabi ni Amy.

"Ulol." Sumbat naman ni Raven.

"Guys, ano? Matutuloy pa ba yung trip to North Pole natin?" Biglang tanong ni Nathan. "Kukuha sana ako ng private plane eh."

"Talaga?!"

Nagulat kami sa reaksyon ni Raven. Parang atat.

"S-sorry, hindi pa kasi ako nakakasakay ng eroplano kaya... okey lang naman sakin kung matutuloy yung trip." Ani Raven.

"Ako din gusto ko. Nakasakay na ako ng airplane pero hindi pa ako nakakapunta sa north pole." Sabi naman ni Amy.

"So, gusto nyo? Okey na?"

"Sige punta tayo." Sagot ko kay Nathan. "Pero, pag nadis-charge na si Flame. Okey ba yon?

Umoo naman silang lahat.

"Baka hindi ako makakasama."

Napatingin kami kay Flame sa sinabi nya.

"At bakit?" Tanong ko.

"Parang... gusto ko kasi munang magkulong at magpahinga sa bahay namin."

"Hindi pwede, sasama ka." Sagot ko. "Magche-check in naman tayo sa isang hotel eh kaya dun ka na lang magpahinga. At kung iniisip mong baka masunog mo ang lugar na yon, pwes hindi dahil malamig naman don. Kasing lamig mo."

"Boom." Mahinang sagot ni Nathan.

"Ano ba yan! You always win!" Sigaw ni Amy kay Raven.

Natalo sya sa laro nila.

"Oh basta kayo na ang bahala sa mga gastusin, alam nyo na... poor lang ako."

"Oo, libre kita." Sagot ni Nathan kay Raven.







***








Nang makalipas ang isang linggo. Pumunta na din kami sa North Pole. Kung iniisip nyong nag-absent kami ng one week, hindi.

Pero si Flame oo pero excuse sya. At kapag uwian na sa St. Marie, pupunta agad kami sa ospital namin para bisitahin sya. At mabuti, dinischarge na sya nina mama bago mag-weekend ulit.

"As expected sa mga nababasa ko sa mga libro, malamig nga talaga dito." Biglang sabi ni Raven habang naglalakad kami papunta sa isang inn.

Wala palang hotel dito, pero inn meron. Hahaha.

"Ang lamig naman." Ani Amy habang minamasahe ang mga pisngi nya.

Nang makapasok na kami sa inn, nag-rent na kami agad ng dalawang kwarto. Isa para saming mga babae at isa para sa mga lalaki.

Naka highly-cost kasi ang inn na to dahil konti lang daw ang costumers ngayong season na to. Kaya, mag-tipid daw kami sabi ni Raven. Sabi pa nya, life is full of surprises daw.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now