Chapter 14: Registration

89 11 0
                                    


"Hoy. Hindi ka pa ba aalis? Ang bigat bigat mo pa naman." Seryoso nyang sabi.

"Sorry." Sambit ko tsaka na ako bumangon. At ganon din sya.

"Ayiiiiiieh! Naiinggit na ako ha!" Ani Amy.

"Ewan ko sayo, Amy." Sumbat ko kay Amy.

Papasok na sana kaming tatlo sa janitor's room pero..

"Flaaaaaaaaaame!"

Look who's here. Ang reyna reynahan na si Ms. Phara.

"Ms. Phara!" Gulat na sabi ni Flame.

Yinakap ni Ms. Phara si Flame at hindi na makawala si Flame sa higpit ng yakap nya.

Ano to? Long time no see?

Tumawa na lang kami ni Amy at nauna na kaming dalawa sa janitor's room.

Isasara na sana namin ang pinto pero bigla itong hinarangan ni Keysha. Ang isa sa alipin ni Ms. Phara.

"Wait a minute, pathetic girl. Do you think I didn't saw what happened earlier?!" Ani Ms. Phara sakin.

Mahirap man itong sabihin pero... ang cute nya pagnagagalit! Para nga syang bata eh. Hahaha.

"Sorry po. Hindi ko po sinasadyang banggain ang 'EX' boyfriend nyo." Sambit ko. Na hindi ko inaasahang ikinagalit nya.

Oops. Wrong move.

"Pinapamuka mo ba sakin na wala na akong karapatang mahalin sya? just because we broke up?!" Ani Ms. Phara.

Amy! Help!

"Hindi po ganon ang ibig kong sabihin." Sagot ko.

"Kung ganon lumayo ka kay Flame dahil para kay Madam Phara lang sya." Ani Miya. Isa na naman sa mga alipin ni Ms. Phara.

"At wala kang karapatang sumira at pumagitna sa kanilang dalawa." Ani Keysha.

"Sorry kung ganon ang tingin nyo sakin." Sagot ko.

"Ano bang pinagsasabi mo Harmony? Wag ka ngang mag-sorry." Ani Flame. "Aalis na tayo."

"Pero.." Ani Ms. Phara.

Hinila na ako ni Flame at sumunod na din si Amy papasok sa janitor's room. Tsaka na namin sinara ang pinto.

Si Flame na ang kumuha ng susi at nagbukas ng pinto.

"Sorry Harmony kung hindi kita naipagtanggol kanina. Natatakot kasi ako kay Ms. Phara eh." Ani Amy habang naglalakad kami papasok sa St. Marie.

"Hindi kayo dapat matakot sa kanya." Ani Flame. "Lalong lalo ka na Harmony."

"Nagsorry lang naman ako kanina ah." Sumbat ko.

"Yun nga yung punto ko. Kapag nag-sorry ka ibig sabihin natalo ka nya. Tsaka parang pinapakita mo na din na mas mataas sya kesa sayo." Ani Flame.

"Edi sorry na." Pagkasabi ko non ay sumama ang tingin nya sakin. "Sorr--I mean ganon ba?"

Hindi na dapat ako nagsosorry, lalong lalo na sa harapan ni Ms. Phara.

"Guys!" Sigaw ni Chandrea.

Andito kami ngayon sa main hall ng academy para magparegister para sa Grand Prix. Actually libre lang naman iyon.

"Bilisan nyo! Mabuti at maaga akong nakipila. Para tayo ang number one group sa listahan!" Ani Chandrea. Ang happy nya ngayon ah.

"Sad to say but you will not be the number one." Sabi ng isang lalake.

Apat na matatangkad at mga gwapong lalake ang luminya sa pwesto namin.

"Hoy hindi nyo ba nakikita na dito kami nakapila?!" Ani Chandrea at tumawa na lang ang apat na lalaki.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now