Chapter 9: Meet the Queen!

140 14 0
                                    

"We failed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"We failed..." Ani Nathan.

"We didn't failed!" Ani Flame na ikinagulat naming apat.

"Anong pinagsasabi mo?!" Tanong ko.

"Hindi nyo ba nakikita sa bintana? May natitira pang sikat ng araw na may dalamput metro. Tsaka linagay ni Ms. Forestier ang libro sa kids section para hindi natin ito mahanap. Pero dahil kay Harmony ay nahanap natin ito. Kaya sigurado ako na nagtagumpay tayo." Seryosong sabi ni Flame habang naka cross arms.

"Mahusay Mr. Roberds! Nahanap mo ang mga clue na nagbigay daan sainyong lahat dito." Ani Ms. Forestier.

"Clue?" Ani Amy.

"Sinabi ko sa isang librarian na itago ang libro sa kids section at pinahanap ko to sa inyo. Dahil gusto kong makita kung gaano kayo kagaling at kung paano kayo magtulungan. Panoorin nyo to." Nakangiting sabi ni Ms. Forestier.

Pinanood namin sa big screen ng office nya ang cctv ng library.

Nag-aaway at nagtatalunan ang mga magkakagrupo sa group B to E. Hindi sila nagtutulungan sapagkat nag-aaway sila. Ang mga iba din ay di napigilang magtanong sa librarian at nagsisialisan na.

"Dahil sa angking talino nyo ay nakapagplano kayo ng mabuti kaninang break time. At hindi kayo nag give-up kahit na ilang oras kayong naghanap. Natuto din kayong maghintay at magtulungan. At hindi ang magbintangan. Sinunod nyo din ang utos ko na wag magtanong ng kahit na sinong librarian. At ang pinakahuli ay nakita nyong mabuti na hindi kayo talo. Na may pag-asa pa kayong natitira kahit na dalawamput metro na lang ang natitirang sikat ng araw. So I want to congratulate all of you for your success." Ani Ms. Forestier.

Napangiti ako sa sinabi ni Ms. Forestier. Dahil narealize kong nagawa ko ang responsibilidad kong maging leader sa grupo namin.

At nakita ko din ang ngiting tagumpay ng mga kasama ko.

I Thank God for everything...

"Gusto ko sanang kunin nyo ang libro ng dating HM bilang premyo. Madaming nakasulat dyan na pwede nyong gamitin para sa grand prix." Ani Ms. Forestier.

"Maraming salamat po Ms. Forestier!" Sigaw naming lima tsaka nag bow.

Kinuha ko na yung libro tsaka na kami umalis.

Ngayong nasa labas na kami ng office ni Ms. Forestier ay dun na kami tumalon sa saya.

"Yes!" Ani Amy.

"Magpasalamat kayo sa leader natin dahil sya ang nakahanap ng libro!" Sigaw naman ni Nathan.

Itong lalake na to talaga!

"Pero.. Paano mo nahanap yung libro Harmony?" Biglang tanong ni Amy.

"Tsaka paano mo nalaman na nasa kids section yon?" Patuloy naman ni Chandrea.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon