Chapter 6: The Real Campus

182 15 1
                                    

Napatigil ako sa sinabi ni Nathan

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Napatigil ako sa sinabi ni Nathan. Bakit ang bait nya? Ganito ba yung feeling na may kaibigan kang lalake? Yung ipagtatanggol ka sa laban?

"Ba't ka napatigil? May problema ba?" Ani Nathan.

"Wa-wala to.." Lumayo ako sa kanya ng ilang metro at nakinig na lang ako sa klase habang nakatayo.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa canteen. Dun daw kami magkikita ni Amy. Pagdating ko don ay nakita kong naguusap sina Amy at Flame. At mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila.

Paglapit ko don ay bigla silang napatigil at napatingin sakin.

"Harmony!" Pambubungad ni Amy sakin.

"Anong meron?" Bigla kong sabi.

"Wala.. Haha.. A-oo kain na tayo." Ani Amy.

"Sya rin ba?" Biglang tanong ni Flame kay Amy. At umiling ito.

"Anong 'ako rin ba'?" Tanong ko din sa kanila.

"Ah yung kwan daw... Yung ano... Yung dinner pala natin mamaya sa unit ko. Diba pupunta ka?"

"Akala ko ba tayong dalawa lang bilang mag-bff. Ba't kasali sya?" Imagine. Ininvite nya si Flame!

"Ah eh.. Best friend na din natin sya.."

A-anooo?! ヽ( ຶ▮ ຶ)ノ!!!

"Aalis na ako.." Ani Flame tsaka na sya umalis.

"Sorry din Amy kasi may kukunin pa akong libro sa library. Tsaka sorry hindi ako kakain ngayon." Total hindi pa naman ako gutom.

"Okey fine. Sige kita na lang tayo mamaya. Pupunta na ako sa next class ko." Ani Amy.

Habang inuubos na ni Amy yung pagkain nya ay mabilis na akong naglakad papunta sa janitor's room. Tignan natin kung saan ka talaga pumupunta.

Pagpasok ko sa janitor's room ay tinignan ko yung buong paligid. Mukhang wala akong pagtataguan. Lumabas muna ako at nakahanp ako ng isang barrier. Kaya hinila ko ito papasok at doon ako nagtago.

Sakto papalapit na dito si Amy. Pagpasok nya ay linock nya yung pinto. At ang silent na ng paligid.

Ano na kaya ang mangyayari?

Sampung segundo na ang lumipas ay binuksan nya ang bag nya at may linabas syang isang susi.

Kulay gold sya at parang kakaiba ang susi na yon.

Wierd.

Nakatalikod sya sakin. Kaya nakatayo na ako ngayon. Bubuksan na nya yung pinto.

Linagay na nya yung susi sa door knob at bunuksan na nya yung pinto. Napakaliwanag kaya napapikit ako.

Paglapit ko ay...

(°△°|||)

Totoo ba to?!

St. Marie Academy (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora