Chapter 63: Fourth Stage

73 7 0
                                    

"Bilisan nyo!" Sigaw ni Amy mula sa doorway

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


"Bilisan nyo!" Sigaw ni Amy mula sa doorway.

Nakita ko kasi kanina si Flame sa gate ng local campus kaya sabay na kaming pumasok sa school. At ngayon na gaganapin yung contest ng Team Phara at Team Tenoji, at papanuorin namin yon ng live sa St. Marie Stage. Kaya tumatakbo na kami papasok sa loob dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na yung laban.

Masaya ako ng makita ko si Nathan. Mabuti at pumasok na sya ngayon at nakangiti. Alam kong masakit para sa kanya ang nangyari kahapon pero... Nakatingin na sya ngayon sa bright side ng kanyang buhay.

Inilibing na din sina Chandrea at ng mga magulang nya kahapon, at nakangiti kaming makita syang umalis sa mundo. Naiintindihan ko na, na hindi lahat ng patay ay binabalak nang mabuhay.

Ikwinento ko na din ang lahat ng nangyari kay Nathan noong wala sya. Ang pagpaparusa kay Calamity Mary, ang pagbabalik ng grupo namin, ang paghahanap ng bagong myembro sa grupo, at ang buong dahilan at nakaraan ni Chandrea.

Sinabi pa nga nya kay Flame na hindi talaga kami naghalikan eh. Ito naman kasing si Flame, sobrang seloso. Kaya pala ang sama-sama ng tingin nya sakin kahapon kasi nagseselos. Gusto nya daw kasi ako ang first kiss nya, ang OA diba?

"Oh, ba't ganyan ka makatingin sakin Harmony?" Nakangiting tanong ni Nathan.

"Hindi noh, nakatingin kaya ako sa loob." Asar kong sabi. "Wala na atang upuan, bilisan natin."

Pagpasok namin, wala talaga itong pinagkaiba sa cinema-- sine pala. Madilim at madaming upuan. At may isang malaking flatscreen pa pala sa gitna, yun lang ata ang pinagkaiba sa sine, sa sine kasi projector.

Minsan kasi, tumatakas ako sa bahay kapag nasa trabaho sina mama at papa at pumupunta ako sa sine mag-isa.

"Grabe, ganito pala ang style kapag pinapanuod tayo ng mga studyante sa grand prix." Di makapaniwalang sabi ni Amy.

"Ayun may upuan dun sa likuran." Turo ni Flame.

Wala na kaming inaksayang oras at dumiretso sa bakanteng upuan. Si Nathan, Amy, Flame, at ako naman sa pinaka-gilid.

"Harmony."

Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at walang iba kundi si Flame.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.

"Ano kasi... Uhm... yung tungkol sa... a-ano..." Hindi nya matuloy-tuloy yung sinasabi nya. "...yung tungkol sa... sa panlilig---"

"Naiintindihan ko Flame." Hindi ko na sya pinatuloy dahil alam na alam ko na ang sasabihin nya.

"I'm Sorry, hindi ko naabot yung expectations mo sakin. Sobrang seloso ko kasi tapos hindi ako kasing hyper ni Nathan. I'm sorry din kasi hindi ko deserve ang 'Oo' mo kaya alam kong wala ka nang feelings pa sakin."

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Ang OA nya kasi. Wala naman akong mataas na expectations para kay Flame eh. Mahal ko sya at ang inaasahan ko lang naman sa kanya ay mahalin nya ako pabalik. Iyon lang.

St. Marie Academy (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora