Ako pala ang may kasalanan kung bakit sya nagdudusa. I feel sorry for her. Tsaka, hindi ko sinasadyang sirain ang pangarap nya."I won." Walang ganang sabi ni Raven.
"No, I won."
"Wag ka nang makipag-kompitensya dahil klarong klaro sa score na ako ang mas mataas kesa sayo." Kunot-noong sabi ni Raven kay Amy.
"So? Masaya ka na?"
Nagtaka bigla si Raven sa tinanong ni Amy.
"Hindi ka ba masaya Raven? Na nagkaroon ka ng angking talino na wala sa isang normal na tao?" Tanong ulit ni Amy.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Natatawang sabi ni Raven. "Wala ka nang pake kung masaya ako o hindi."
"Meron, tsaka nanalo ako kesa sayo kasi masaya ako sa nakuha ko. Eh ikaw? Nganga?"
"Inaasar mo ba ko?" Kunot-noong tanong ni Raven.
"No. You just can't get what my point is."
"Ano bang point mo? Ang pasayahin ako sa nakuha ko? Yung lang ba? Sige! Masaya na ako!" Sarcastic na sumbat ni Raven.
"Woah, girls chill lang." Awat ni Nathan.
"Sumali ka sa grupo namin Raven." Sabi ko.
"Ayoko nga eh." Galit nyang sagot. "Ang kukulit nyo."
"Dahil ba kay Harmony? Sige tanggal na si Harmony sa grupo. Gusto mo?"
"T-teka... Anong sinasabi mo Amy?" Tanong ko.
"Syempre gusto ko pero alam ko naman na hinding hindi nyo tatanggalin yang pabebeng leader nyo."
Wow! Pabebe talaga! Nakakahiya naman sa kanya.
-___-
"Please Raven, pag-usapan natin to." Pagmamakaawa ko.
"Kung ayaw nya edi wag. Mas makakahanap pa tayo ng mas matalino kesa sa kanya. She's not worth to join our group anyway."
"Wow! por que ikaw ang classroom president, nagyayabang ka na!" Sumbat ni Raven kay Flame.
I really like her being so competent.
"Ewan ko sayo, alis na ko." Sagot ni Flame tsaka na sya naglakad paalis habang nakapamulsa.
"Ewan ko din sayo!" Sigaw din ni Raven.
"Tara na guys." Ani Amy at sumabay naman si Nathan.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong magpaiwan. Siguro iniisip ko na kailangan naming mag-usap ni Raven ng kami-kami lang.
Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Raven.
"Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo dahil may klase pa ako."
BINABASA MO ANG
St. Marie Academy (Completed)
Fantasy"Ang St. Marie Academy ay isang paaralan na punong-puno ng misteryo at mahika. Only Witches are allowed to go and enroll there. Hindi ko alam kung paano at bakit ako nakapasok dito. Aksidente lang ba ang lahat ng mga pangyayari? Or maybe I'm a witch...