Chapter 40: She Died?!

89 9 0
                                    

Flame's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Flame's PoV

"Oo, kaya sana wag mo itong ipagsabi. Pag naikalat ito, tiyak na masasaktan si Harmony." Aniya.

"Relax po kayo Headmaster, matagal ko na pong alam na ampon sya. Tsaka di naman kami close." Nakangisi kong sabi.

I am badly lying right now.

"Ganon ba? So--"

"Dad kailangan ka namin sa faculty room!" Biglang sabi ni Ms. Trina papasok sa office ng Headmaster. Bigla syang nagulat ng makita nya ako. "I mean.. Headmaster Grim, we need you at the faculty room right now.."

"Sige Mr. Roberds, mauna na ako." Nakangiti nitong sabi. Tsaka na sila lumabas sa office.

Lumabas na din ako at dumiretso na ako sa bahay.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad na akong humiga sa kama.

Grabe, napagod ako sa araw na to. Tsaka dalawang araw na din akong hindi natutulog.

Simula noong second stage sa grand prix hanggang ngayon, may lakas pa talaga akong mag hanap ng impormasyon tungkol sa mga bumabagabag sa isip ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti.

Siguro naisip ko na napaka chismoso ko pala. Wala naman akong karapatang malaman yung buhay ni Harmony pero heto ako ngayon... naghahanap ng paraan para lang malaman yung totoo.

Haaaaaaaaaay...

Pumikit na lang ako. Mga ilang minuto na ang lumipas ay agad din naman akong nakatulog.











***












Harmony's PoV

"Harmony? Gising ka na?."

Knock!!! Knock!!!*

"Ms. Harmony? Umaga na po."

Nagising ako dahil sa boses na panira ng comfortable relaxation ko.

Si Cherry.

Bumangon na agad ako sa kama ko. Tsaka ako nag streching.

"Haaaaaaay!" Sigaw ko.

"Harmony? Pwede na ba akong pumasok?" Tanong ni Cherry.

"Sige pumasok ka na." Nababagot kong sabi.

Hindi pa nga ako one-hundred percent na gising eh. Actually medyo masakit pa yung katawan ko dahil sa second stage ng grand prix kahapon.

"Ihahanda ko na yung shower mo." Nakangiti nyang sabi.

"Wag na Cherry, timplahan mo na lang ako ng hot milktea." Sagot ko habang tinitignan yung mga librong nasa book shelf.

Umalis naman agad si Cherry.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now