Chapter 64: The Strive

72 3 0
                                    

Kinuha na din pala ni Ms

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinuha na din pala ni Ms. Maureen ang berdeng susi.

"Ang representative ng Team Phara ay ang member namin na si Miko Takeru." Nakangiting saad ni Ms. Phara. Isang nakakatakot na ngiti.

Walang takot na humarap si Miko at kinuha ang dilaw na susi.

"Sa pagkakaalam ko ay isa syang matalinong studyante sa batch nina Ms. Phara." Ani Nathan.

"Kaya pala." Ani Amy. "Huy Flame, Harmony. Okey lang ba kayong dalawa?"

"Okey lang ako Amy, nakafocus lang talaga ako sa laban nila." Nakangiti kong sagot.

"Same." Tipid ding sagot ni Flame.

Same? Sa sobrang tagal na hindi sya nagsalita... same lang? Mabuti at hindi napapanis ang laway nito.

"The representative of Team Tenoji is our member named Nick Evans." Saad ni Sky.

Humarap na din si Nick at kinuha ang dilaw na susi.

"Matalino talaga yan kasi naging classmate ko na sya dati." Ani Flame.

"One representative for the witch-running contest." Tuloy na sabi ni Ms. Trina.

"Si Keysha Shin ang representative ng Team Phara."

"Si Paul Melark ang representative ng Team Tenoji."

Humarap na ang dalawa at kinuha ang dalawang bughaw na susi.

"Last but not the least, Two representative for the solving problem contest."

"Miya Shin at Jinho Chen sa Team Phara."

"Ang representative ng Team Tenoji ay sina Drei Williams at Sky Collins."

Humarap na ang apat at kinuha ang apat na pulang susi.

"You are now finished of selecting your team's representatives of each sequences. Now go respectively to the doors that has the color same as your keys." Seryosong sabi ni Ms. Trina. "Okey, the game is now started!"

Agad nang tumakbo ang mga players sa mga respective doors na kasing kulay ng mga susi nila.

Ang unang naipakita sa malaking flatscreen ay ang magkalabang sina Ms. Maureen at Ms. Phara. Ang potion making contest. Binuksan nilang dalawa ang dalawang magkasing kulay na pinto, at bumungad sa kanila ang isang napakalaking witch experimentation laboratory.

"Nandon si Ms. Rose!" Gulat kong sabi.

"No way." Ani Amy.

"Malamang eh magkapatid sila ni Ms. Trina. Pero magkaibang-magkaiba naman sila ng ugali." Ani Nathan.

"Good day to the both of you." Nakangiting sabi ni Ms. Rose.

"Good day to you as well." Sabay pang sabi ni Ms. Maureen at Ms. Phara.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon