Chapter 57: SSG President's Answer

66 7 0
                                    

Harmony's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Harmony's PoV

Umaga na at nandito kami ngayon sa bahay nina Chandrea. Weekend kasi ngayon.

Para lang syang natutulog sa isang kabaong kasama ang mga magulang nya. Di ko pa din mapigilang umiyak dahil sa condition nila ng magulang nya.

Kasalanan ko lahat to.

"Harmony, tama na. Naiiyak na naman ako oh..." Malungkot na sabi ni Amy.

Madami ang tao ngayon dito sa bahay nila Chandrea. Dahil bumisita na din yung mga faculty members ng fake at real campus ng St. Marie Academy. Pati na din yung mga studyante at kapwa witch namin. Specially ang mga angkan ng mga water witches, halos lahat sila dumating.

Yung mga relatives na lang nila Chandrea ang nagaasikaso rito. Ang Smith Family.

Di na namin nalalapitan si Nathan dahil abala na din sya sa pagbabantay kay Chandrea. Okey na din yon dahil mababantayan nya si Chandrea ng mabuti.

"Harmony, Ang lakas ng loob mong dumalaw dito pagkatapos kang sisihin ni Chandrea." Halos pabulong na sabi ni...

"Calamity Mary..." Buntong hiningang sabi ni Amy. Kasama nya ang members ng Team Calamity.

"Wag mong pagsabihan si Harmony ng ganyan, Mary." Sabi ni Flame tsaka nya hinawakan ang kanang kamay ko.

"Oooh, whats going on now? I see. Your courting her." Nakangising sabi ni Mary.

"Eh ano naman ngayon? Inggit ka?" Pang-aasar ni Amy.

"Psh! Bakit naman ako maiinggit? As if meron kayong forever, duh."

"Ano ba. Nasa harapan kayo ni Chandrea at ng mga magulang nya." Biglang sabi ni Nathan papalapit samin. "Mahiya naman kayo."

"Sila ang nauna." Tutol pa ni Mary.

Kami na lang ang unang lumayo dahil tama naman si Nathan. Nakakahiya.









***









Pagsapit ng hapon. Nagpaalam na kami para umuwi. Actually hindi naman talaga kami uuwi dahil pupunta kami sa St. Marie Academy.

Kukunin namin yung nakaboteng kapangyarihan ni Ms. Maureen.

"Sure ka ba talaga dyan Harmony?"

Si Gold.

"Oo naman. Para sa kaibigan ko." Sagot ko. "Kung pwede mo lang sanang malaman yung nakaraan..."

"I'm sorry..."

"Its okey, di mo naman kasalanan kung bakit ka namatay..." Malungkot kong sagot.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now