Chapter 61: Thefigrēlosó

56 7 0
                                    

"Hindi nga po ako ang may kasalanan dun sa pagkamatay ng babaing yon!" Sigaw ni Mary

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hindi nga po ako ang may kasalanan dun sa pagkamatay ng babaing yon!" Sigaw ni Mary.

Kanina pa sya nagwawala. At isa lang ang ibig sabihin non, She is guilty.

"We don't have no choice but to remove you from this academy!" Galit na sumbat ni Ms. Trina. "Guards!"

May mga armadong lalaking nagsipasukan na may hawak na... walis? I mean, Abenyo.

"Mag suot kayo ng pormal na damit at magtungo kayo sa mundo ng mga tao. Dumiretso na kayo sa police station at ipakulong sya sa pulis." Ani Headmaster.

"W-wait! You don't have proofs!" Sigaw parin ni Mary. Hinawakan na sya ng mga guards pero unti-unting namumula ang mga kamay ni Mary. Maglalabas ba sya ng apoy?

"Sandali." Ani Ms. Trina.

Hinawakan ni Ms. Trina ang noo ni Mary at biglang dumaloy ang isang pulang usok. Naglabas si Ms. Trina ng bote at doon ipinasok ang mga pulang usok.

"No. No. No! You can't take my powers!" Sigaw ni Mary.

"Yes we can. And that is your punishment." Kunot-noong sabi ni Ms. Trina. "Ilabas na sya dito."

"Sandali sasampalin ko pa yang babaing yan!" Sigaw ni Amy. Pero agad ko syang pinigilan.

"Nagbayad na sya sa kasalanan nya Amy." Tsaka ko sya yinakap.

"Pumunta na tayong lahat sa main hall, dahil i-aannounce pa ni Trina yung tungkol sa semi-finals." Sabi ng Headmaster.

Lahat?

"Narinig nyo ba yung sinabi nya?" Pangkaklaro ni Amy samin ni Flame.

"Sumama na lang tayo, baka may importantanteng sasabihin." Ani Flame.

Well, Sa wakas nagsalita na sya.

"Okey ka lang?" Tanong ko kay Flame.

Tumango lang sya bilang pagsagot. Tsaka na sila umalis ni Amy. I-iniwan talaga nila ako? Nagtungo na din pala sina headmaster Grim, Ms. Trina, Team Phara, at Team Tenoji sa main hall.

"Guys sandali!" Sigaw ko sa kanila pero huli na ng isara na nila ang pinto.

May galit ba sila sakin?

'Wala naman silang galit sayo.'

Hgh! M-Mira?

Nagulat ako ng biglang lumabas ang limang kaluluwa mula sa katawan ko. Noong normal na tao palang ako, naiisip ko noon na isang kaluluwa lang ang pwedeng gumamit ng isang katawan. Pero ngayon, natatawa ako dahil kaya pala ng isang daang kaluluwa gamitin ang isang katawan.

"Tama ka Harmony, pero pinalaya na ni Ms. Forestier ang isang daang kaluluwang pumasok sa katawan mo."

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now