Chapter 29: Dinner

82 10 0
                                    

"Tatalon na sana ako non pero dumating si Drei

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

"Tatalon na sana ako non pero dumating si Drei. Niligtas nya ako sa kung ano mang demonyong nagtulak sakin para magpakamatay..."










Throwback...













Amy's PoV

"Nababaliw ka na ba?" Biglang sabi ng lalaki.

"Sino ka ba ha?!" Galit kong sabi.

"Ako si superman." Nakangiti nyang sabi.

"Psh! Pakielamero na nga pilosopo pa." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Joke lang ikaw naman. Drei Williams ang pangalan ko." Aniya.

Inabot nya ang kamay nya sakin para makipag-shake hands pero tinanggihan ko ito.

I don't need a friend. I need my family.

"Ito naman oh, ang sungit mo naman. Saan ka ba nag-aaral?" Aniya.

"Wala ka nang pakeelam. Tsaka close ba tayo ha?!"

"Kaya nga ako nakikipag-close sayo... Alam mo balak ko din sanang tumalon dyan at magpakamatay. Namatay kasi yung gf ko kaya balak ko sanang sumama sa kanya. Pero ng makita kita kanina, narealize kong nakakatakot palang magpakamatay." Aniya.

Napatigil ako sa sinabi nya. Mukang may punto sya. Nakakatakot talagang magpakamatay. Di ko nga alam kung bakit ko yon balak gawin eh.

"Saan ka nga pala nag-aaral?" Tanong ko.

Bigla syang tumawa sa sinabi ko. Psh. Nanggigigil na talaga ako sa kanya.

"Kanina ako ang tumatanong nyan eh." Aniya.

Ang gwapo nya pala pag tumatawa. SHET! Ano bang sinasabi mo Amy?!

"Nag-aaral ako sa St. Marie Academy. Dun ka mag-aral para maging close tayo." Aniya.

"Tsk. Sa tingin mo ba gusto kong makipag-close sayo?" Sarcastic kong sabi.

"Ha-ha-ha. Basta pag nag-enroll ka don. That means gusto mo ko. Pero pag hindi, edi hindi." At nakangisi pa talaga sya.

"Sa tingin mo gusto kita? Ew lang ha." Naka-cross arms kong sabi. "Tsaka ang kapal mong sumbatan ako. FYI ako ang anak ng may-ari ng barkong to."

"Edi sorry. Nagbakasyon lang naman kami ng mga kaibigan ko dito eh. Kaya kung gusto mong umalis kami edi aalis na lang kami."

Edi umalis kayo!

"Sinabi ko bang umalis kayo?" Taas kilay kong sabi.

"Sabi ko na nga ba gusto mo ko. Actually, gusto din kita. Kaya sana mag-enroll ka na sa St. Marie. Hihintayin kita don pagdating ng first day of school. Kaya bye na, dahil ayaw mo akong umalis. Magkita na naman tayo dito bukas ng umaga." Aniya tsaka na sya umalis.

St. Marie Academy (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu