Epilogue

99 5 0
                                    


Isa na lang ang hindi ko pa nalalamang dahilan. At iyon ay kung paano naririnig ni Ms. Forestier ang sinasabi ng mga kaluluwang nakakulong sa loob ng katawan ko.

Kaya pumasok ako ng maaga sa St. Marie upang tanungin si Ms. Forestier ang tungkol dito.

"Good morning po Ms. Forestier." Bati ko ng makita ko sya sa isang empty classroom na nag-aayos ng mga libro.

"Ms. Laveu? What are you doing here?"

"Yung..... yung tungkol po dun sa a-ano.... kung paano nyo po naririnig yung mga kaluluwa sa loob ko." Diretso kong sabi.

Pero mukhang hindi na nya yon matandaan.

"Naaalala nyo pa po ba yung araw na nagpakamatay si Chandrea at humingi ako ng tulong sa inyo?"

"Oo naman, Ms. Laveu. Hindi pa naman ako masyadong matanda para makalimutan ang araw na yon." Aniya. "Its just that.... I thought you already forgot about this."

"Yon nga rin po eh. Hindi ko po alam kung bakit bigla ko na lang sya naalala pagkatapos ng grand prix." Sagot ko.

"Okey, I'll tell you."

Umupo muna ako sa isang upuan. At nagsimulang makinig.

"As you can see, malapit kaming dalawa ni Ms. Rose sa isa't-isa, dahil sa mga gamot nya na pinag-aaralan ko. And certainly, naikwento ko sa kanya ang tungkol sa nangyari sa'yo. When suddenly your heart stops beating. Kaya agad syang pumunta dito sa office ko at pumili kaming dalawa ng limang kaluluwa na alam naming po-protekta sa'yo. And voila, I think it finally did."

Hindi ako makapagsalita ng matapos yon ikwento ni Ms. Forestier. As in, nangyari talaga yon? Woah.

Tsaka, hindi man lang yon binanggit nina Mira.

"Any questions?" Tanong ulit nya.

"W-wala na po. Tsaka thank you po sa oras nyo." Sagot ko tsaka na ako tumayo.

"Your welcome. At sana makatulong na yon sayo."

"Opo sobra." Sagot ko tsaka na ako umalis.

At ng makaalis na nga ako, hindi pa rin yon sapat na rason. Sinabi ko lang yon para hindi na mag-aksaya pa ng oras si Ms. Forestier sakin.

Its just that... I am full of curiosity right now.

"What's up?" Biglang sabi ni Raven.

Nandito kasi ako sa campus park. Naka-upo dito sa damuhan habang naka-cheeks palm.

"Ang aga mo palang pumapasok." Sabi ko.

"Ngayon lang." Aniya. "Hindi pa kasi ako sanay sa lifestyle ko ngayon. Kaya maaga akong pumasok sa skwelahan."

"Bakit?"

"Kasi lahat pala ng gusto ng isang mayaman, nabibigay na agad. Samin kasi, kailangan mong magtrabaho at magpursigi sa buhay. Para makamit mo yung gusto mo."

"Okey lang yan, masasanay ka rin." Sagot ko.

Nagulat ako ng bigla syang tumawa.

"Alam mo, hindi ako makapaniwala na magkasundo na tayo ngayon. Kasi sobrang laki ng itinanim kong galit sayo noon eh. Kasi inggit na innggit ako sayo non."

Napatingin ako sa kanya sa sinabi nya.

"Huh? Bakit ka naman maiinggit sakin? Eh ako nga yung naiinggit sayo." Sagot ko. "Imagine, napakagaling mong tao. Tapos meron ka pang pamilya na sumusuporta sayo. Eh ako wala."

"Oo wala kang ganon pero meron ka namang mga kaibigan. Alam mo naman na loner ako. At habang pinapanood ko kayo ng mga kaibigan mong nagtatawanan kapag group activities, sobrang naiinggit ako. Kasi parang may kulang sa buhay ko. At yon ay ang pagkakaroon ng mga kaibigan."

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Grabe pala yung pinagdaanan nya. Parehas lang kami.

Pero, mali yon. Kasi hindi dapat tayo naiinggit sa isang tao. Kahit mayaman ka man o mahirap, pare-parehas lang tayong tao at anak ng Diyos. At pare-parehas tayong nakaapak sa lupa.

"Oh sige maiwan na kita, mag-rereview pa ako sa library." Paalam ni Raven tsaka na sya tumayo at umalis.

Masaya ako ng makilala ko si Raven, kasi nakakilala ako ng isang babaeng matapang at marunong lumaban sa buhay. Nakaya nyang tumayo mag-isa, lumaban mag-isa, at nagpursigido mag-isa. Nagawa nya lamang yon ng walang taong tumulong sa kanya.

That's why Raven Ramirez is a very independent woman.

Syempre hindi natin makakalimutan si Amy Starks. Na pinaka-una kong naging kaibigan. Ang saya ng ganong tao, yung napaka-friendly. Tapos itinuturing ka nyang kapatid at motivator. Napakabait ni Amy at napakagaling nyang ipagtanggol ang gusto nya.

And I just saw a very cheerful and comforting friend named Amy.

Chandrea Smith is also the best. Kasi napakabait nyang bata. Alam nyo na, mas bata sya kesa samin ng isang taon. No wonder na nahulog din si Nathan sa kanya. Kasi sinusubukan nyang gawin yung best nya para hindi sya maging pabigat sa grupo.

Chandrea is a friend which I will never forget till my last breath.

And then here's Nathan Wades. Ang napaka-wirdong--- este masayahing lalake pala. Hindi hinahayaan ni Nathan na masaktan ang pamilya at mga kaibigan nya. At gagawin nya lahat upang mapangiti ang isang babae.

And I like that kind of man. The friendly type and a very gentleman.

And the last but not the least. Mr. Flame Roberds, the man whom I fell inloved. A.K.A Mr. Ice candy na sobrang OA, cold at cool at the same time. Hindi ko alam kung bakit sobra ko pa syang iniidolo. Siguro dahil napakatalino nya, hindi nabubulag sa pera, at marunong mabuhay kahit wala yung mga pamilya nya sa tabi nya.

Flame is a very dashing person that every girl want to have. Pero, akin na sya.

Hehe. :)

Ayan ang mga kaibigan kong tumulong saking lumaban. Sabay-sabay kaming nadapa, umiyak, at nakamit ang mga hiling namin. I'm so grateful na nakilala ko ang limang studyanteng iyon sa St. Marie.

At syempre si Ms. Phara Wu na napaka-hyper pagdating kay Flame. Ang babaeng kaagaw ko sa lovelife ko. At kontrabida na naging mabait din sa huli. Sana mahanap na nya yung 'the one' nya. Para naman hindi na sya maging martir.

At ang SSG president namin na si Ms. Maureen Tenoji. Napaka-seryoso ngunit may itinatagong mapait na nakaraan. Ang 'love of my life' ni Sky. At ang pinakamatiis na babaeng nakilala ko. Yung hindi padalos-dalos. At laging nag-iisip ng paraan.

That's why I am so glad to help her. And to be her friend.

At napakadami pang mga tao ang nakilala ko at dumating sa buhay ko dahil sa pag-enroll ko sa St. Marie Academy.

Sina Headmaster Grim, Ms. Trina Wu, Ms. Rose Wu, Ms. Forestier, Mr. Hades, Team Francois, Team Calamity, Team Phara, Team Tenoji, at ang grupo ng Team Harmony.

Ang St. Marie Academy ang rason kung bakit ko sila nakilala lahat. At kung bakit ko nakilala ang tunay kong mga mgulang.... at ang tunay na ako. Ang tunay kong pagkatao. Dito ako natuto kung paano ako maging malakas, maging matatag, at kung paano gamitin ang kapangyarihan ko.

Binigay din ng St. Marie Academy ang pangarap na gusto ko.

At iyon ay ang mahanap ang totoong ako.

"Harmony! Tara na magsisimula na yung klase natin!" Sigaw ni Amy.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Tsaka na ako naglakad palapit sa kinaroroonan nya.

Well, I think this is the end of our adventure. The adventure which it led me to the answers of my wicked curiosity. Thanks to....

St. Marie Academy.





























The end.

Is just the beginning. (◕‿↼)

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now