Chapter 58: The Changes

61 6 0
                                    

Harmony's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Harmony's PoV

10:00 PM na ng gabi at nandito na kami ngayon sa tapat ng St. Marie Museum. Malaki sya, at tiyak na may mga guards na nagbabantay sa loob.

"Good luck."

"Thank you for trusting us, Ms. Maureen." Pagbabalik ko.

Pumasok na kami nina Amy at Flame sa loob. Sumama na din ang apat na myembro ng Team Tenoji. Samantalang si Ms. Maureen, bumalik sa dorm nya.

"Mag-iingat tayo sa mga guards dahil mga sense witch sila. Kapag nasa loob na tayo, at kahit na mag invisible pa si Nick, malalanghap at maaamoy parin nila tayo." Paalala ni Drei.

"So, what's the plan?" Tanong ni Sky.

"Dadaan na lang tayo sa likod na parte ng museum para mas ligtas. Baka kasi may nagga-guard sa mismong entrance." Suggestion ni Flame.

Pumayag naman kaming lahat sa suggestion nya kaya agad na kaming dumiretso sa back part ng St. Marie Museum. Si Paul na ang bumukas ng pinto pero ayaw itong bumukas. Naka-lock. We have no choice. Amy turned us into a bird and then we flew hanggang sa makarating kami sa rooftop ng museum.

May bintana sa mismong roof nito na naka bukas kaya pumasok na kami at dahan-dahang tumalon sa malaking statue ni St. Marie. Natatakot na ako ah.

"N-nakakatakot bumaba dito sa statue na to, guys." Bulong ni Amy. Nakakatakot nga.

"Turn as into spiders, Amy." Utos ko.

"Sige." Sagot nya. Pinikit ko ang mga mata ko at pagmulat ko-- Isa na akong gagamba. Ganon din ang mga kasama ko.

Wala na kaming sinayang na oras kaya agad na kaming bumaba sa statue.

"Saan nila ito nilagay?" Bulong ko.

"Dun sa basement." Sagot ni Sky.

Basement?! Galing ah.

"Uy. Naririnig mo ba yun?" Tanong ng isang guard sa kapawa nyang guard.

"Ang alin?"

"Parang may mga ibang witch dito sa loob bukod satin." Sagot nito.

Oh no.

"Oo nga noh, I-I can sense it too--"

"S-sino kayo?! Magpakita kayo kundi lagot kayo kay Headmaster Grim!" Sigaw ng isa sa kanila. Shet. Walo silang lahat na puro sense witches.

"Don't worry... Hanggang sa mga gagamba tayo. Hindi nila tayo mahahalata." Bulong ni Nick.

"Nick is right." Ani Flame.

Okey. Silang bahala.

Pagkababa namin sa statue ni St. Marie, agad na kaming dumiretso sa basement. Madilim at si Sky ang nangunguna samin. Hanggang sa--

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now