Chapter 68: Her Goal

54 5 0
                                    

"Ah, a-ano kasi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ah, a-ano kasi... a-ano... uhm... sinabi sakin ni Ms. Trina."

What a pathetic lie.

"Ms. Trina? Hindi ko naman ito pinagsabi sa kahit na sino, lalong lalo na kay Ms. Principal."

"A-alam mo na, isa kasi syang nature witch kaya natural lang na malaman nya yung mga nangyayari sa mga studyante diba?" Sabi ko sabay kamot sa ulo.

Hindi na sya nagsalita pa at nagsimula nang kumain.

"Yun lang ba yung gusto mong pag-usapan natin?" Tanong nya bigla.

"Ah hindi." Nakangiti kong saad. "Gusto ko sanang malaman kung bakit gusto mo nang tumigil sa pag-aaral."

Bigla syang napatigil sa pagkain ng marinig nya ang sinabi ko.

"May malalim akong rason kung bakit." Seryoso nyang sabi. "Tsaka, wala ka na don."

"Please... hindi ko naman ipag--"

"Salamat sa treat." Hindi na nya ako pinatapos at tumayo na sya sa kanyang upuan.

"Sandali, hayaan mo akong tulungan kita Raven." Pagmamakaawa ko.

"Pwes, hindi ko kailangan yang tulong mo." Seryoso nyang sabi at tuluyan nang umalis.









***















"Harmony! Where have you been anak?" Bungad ni papa.

"Miss kana ni Jp."

"Talaga Ma?"

"Oo nak, nasa kwarto sya."

Dumiretso agad ako sa kwarto ni Jp at nadatnan ko syang nakahiga sa crib, linalaro nya yung umiikot na laruan sa kanyang itaas.

Awww... ang cute nya.

"Hi Jp, ate is here na." Sabi ko sabay pisil sa mga maliliit nyang paa.

Isang oras kaming nag-bonding ni Jp at pagkatapos non ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga. Pagod na pagod na kasi ako these past few weeks. Ang dami kong iniisip, ang dami kong problema, at ang dami ko pang mga tanong na umiikot sa isip ko.

Geeeeez...

Idadaan ko na lang to sa tulog.










***










"Sure ka? Sya na talaga yung sa tingin mong tutulong satin sa paglaban sa Team Phara."

"Sure na sure ako Amy." Sagot ko. "Pero bago yan, kailangan natin munang asikasuhin yung pagdra-drop out nya."

Madaling araw palang, binilisan ko nang magbihis kanina at pumasok ng maaga sa academy. At andito na kami ngayon nina Nathan, Amy, at Flame sa harap ng office ni Ms. Trina. Hinihintay na naming dumaan si Raven, ramdam ko kasi na ngayon na sya magpapaalam kay Ms. Trina.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon