Chapter 88: Maureen's Perspective

49 1 0
                                    


1 Month Ago...













Before the Finals...












Maureen's PoV

Nanalo sina Harmony sa lose to lose stage between Team Phara kahapon. Kaya for sure, sila ang makakalaban namin sa finals.

"Lalabanan ba talaga natin sila pagdating ng finals?" Biglang tanong ni Drei.

Nag-uusap kami ngayon dito sa loob classroom namin habang ginagawa ang isang group work activity.

"Alangan namang tatayo-tayo lang tayo." Sumbat ni Nick.

"Ano sa tingin mo Princess Maureen?" Tanong naman ni Paul.

Pinapasalamatan ko ng lubusan si Harmony dahil ibinalik nya sakin yung kapangyarihan ko. And mostly, tinulungan nya akong ipagtanggol ang sarili ko ng mahuli kami nina Ms. Principal at headmaster.

"Ano ba ang rason kung bakit tayo ulit sumali sa grand prix?" Tanong ko.

"Mmm... para ibalik ang powers mo."

"Exactly." Sagot ko kay Drei. "Ano na ang reason natin para manalo pa?"

"Hindi natin kailangan yung premyo, kahit lumakas pa tayo." Sumbat ni Sky. "Alam naman nating lima na naka-focus tayong lahat sa nag-iisang pangarap natin. Ang makapagtayo ng isang witchcraft shop."

Tama si Sky. Balang araw, magpapatayo kami ng sarili naming witchcraft shop. Kung saan pwede naming turuan yung mga kapwa naming mga witch, at bigyan sila ng mga kagamitang hindi-pangkaraniwan.

Nakabili na din kami ng lote dito sa loob ng campus ng St. Marie para sa pagtatayuan ng shop namin.

And that is the best dream we want to reach--- pero hindi yon mangyayari kung wala akong kapangyarihan.

Thanks to Harmony.

She did a lot.

And I will help her.

"Magpapatalo tayo." Sagot ko na ikinagulat nila.

"P-pero... nasa finals na tayo Princess Maureen. We can't just... lose." Laban ni Nick.

"Nakuha na ni Maureen yung premyong gusto natin. At iyon ay ang maibalik ang kapangyarihan nya. Thanks to Harmony and her group." Sumbat naman ni Sky.

"Kung ayaw mong magpatalo, pwes umalis ka na dito." Dugtong ni Drei.

"Hindi naman sa ganon. I-its just that... sayang lang kasi."

"Don't you understand? Ang Team Harmony ang rason kung bakit bumalik yung powers ni princess Maureen." Sumbat ni Paul kay Nick.

"Let's stop this nonsense matter. Maghahanap tayo ng way para hindi mahirapan sina Harmony." Sabi ko.

"How?" Tanong ni Drei.

"Unang-una... hindi muna natin sila papansinin at lalapitan." Sagot ko.






***







Focus. Just. Focus.

Breathe in. Breathe out.

Right. Just. Focus.

Minulat ko ang mga mata ko ng matapos akong mag-meditate. Nasa dorm ako ngayon dahil kakatapos lang ng klase ko.

At grabe ang nangyari kanina sa cafeteria. Sabay kaming kumain nina Harmony sa iisang lamesa. Pinilit kong hindi umimik pero yung mga kasama ko... satsat ng satsat.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now