Chapter 4: Curiousity

224 21 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Harmony's PoV

Hay buti naka survive ako sa second class ni Flame kanina. Eh imagine, habang naglelesson kami nakatingin sakin lahat ng mga babae!

Yung iba may pagnanasa nga sakin eh.

Habang naglalakad ako ay nakita ko na si Flame. I mean yung katawan ko. At nasa cafeteria siya kumakain mag-isa.

"Hoy wag ka ngang kumain ng madami! Tataba ako niyan eh!" Sigaw ko papalapit sa kanya.

Andami kasi ng inorder niya at mukhang kakainin niya iyon lahat.

"Nagugutom ako eh." Sagot niya habang ngumunguya.

"Tama na nga! Akin na to lahat!" Tsaka inagaw lahat ng pagkain niya at kinain ko yun lahat.

"Harmony!" Napatingin ako sa tumawag sakin at si Amy pala.

Tumakbo na siya papalapit sa table namin. At umupo siya sa tabi ko.

"May nahanap na ba kayong solusyon?" Pambubungad ni Amy.

"Wala pa." Ani Flame sabay irap samin.

Sarap nitong suntukin ah!

"Woah easy guys.." Ani Amy para pakalmahin kami.

"Ikaw. May plano ka?" Pagbabalik ko ng usapan.

"Paano kung.. Ulitin niyo yung nangyari sa hagdan?" Tama si Amy. What if?

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kaming tatlo sa hagdan kung saan nangyari ang insidente.

At inulit namin iyon. Paghawak ko ng kamay ni Flame ay biglang umilaw ang kamay ko ng kulay blue.

Sa sobrang liwanag ay napapikit kami ni Flame at napahiga kami ulit sa hagdan.

Ouch na naman ha!

Pagmulat ko ay tumayo na ako at sinuri ko yung buong katawan ko.

Hhhh! Bumalik na ako sa dati kong katawan! ⊙.⊙

Yeeeeeeeeeeeeeeey! Tapos na ang bangungot na to!

"Ikaw na ba yan Harmony?" Biglang sabi ni Amy sabay hawak sa braso ko.

"Oo ako na to Amy." Sagot ko tsaka ako ngumiti.

"Aalis na ako. Total tapos na yung nangyari." Tsaka na nagwalk-out si Flame.

Speaking of nangyari. Bigla akong nacurious kung paano at ano ba talaga yung nangyari?

"May alam ka ba tungkol sa nangyari kanina Amy?" Bigla kong tanong.

"Ammm.. Hindi ko alam eh." Aniya.

"Paano ba nangyari lahat?" Nagtataka kong tanong.

"Wag kang mag-alala mahahanapan din natin ng solution yang problema mo. Pero bago yan, pumunta muna tayo sa last class natin." Tama si Amy.

"Sige." Huli kong paalam.

Tsaka niya ako sinumbatan ng ngiti. Pag-alis ko sa tingin ni Amy ay sinundan ko siya. Para kasing may balak syang puntahan. Magcacutting yata eh.

Sa tagal ng pagsunod ko sa kanya ay nakarating sya sa harap ng janitor's room.

Anong gagawin nya sa janitor's room?

Pumasok don si Amy at wala na akong ibang narinig. Nagtataka na ako dahil mag-iisang oras na ang lumipas at hindi pa sya lumalabas.

Mukhang ako yung nagcutting ah. +_+

Pero wala akong pake. Isang beses lang naman to at total first day of school palang.

Sa tagal ni Amy sa loob ay hindi ko napigilang buksan to.

Hhhhh! Wala na siya sa loob!

Pero paano nangyari yon? Wala namang bintana dito. At tinitigan ko talaga yung pinto at hindi ko siya nakitang lumabas.

Tinignan ko yung buong paligid ng janitor's room at wala na talaga sya sa loob.

Lumabas muna ako sa building na iyon at pumunta muna ako sa school park para hintayin si Amy na lumabas. Uwian na kasi namin.

Hay... ano bang nangyayari sa school na to? Nakapagtataka talaga.

"Harmony!" Andyan na si Amy.

"Tara uwi na tayo." Tumango sya at tsaka na kami lumabas ng SMA. (St. Marie Academy)

Andito kami ngayon sa bus stop at sakto may bus na papunta sa amin. Nagkwentuhan kami ni Amy tungkol sa isat-isa at nakatira din pala sya sa condo na tinitirahan ko ngayon. Kaso nasa third floor yung unit nya eh nasa sixth floor yung unit ko.

Pagbaba namin sa bus ay dumiretso na kami sa mga unit namin.

May trabaho pa pala ako.

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto at pagkatapos ay nagbihis na ako.

Paglabas ko sa unit ko ay nakita ko yung kotse kong naka-park. Matagal ko na pala iyang hindi nagagamit.

Naisip kong magjoyride muna bago ako pumasok sa trabaho. Actually masyado pa namang maaga.

Pinaandar ko yung kotse ko at pumunta ako sa bahay namin. Miss ko na kasi sina mama at papa.

Pero hindi ako papasok sa bahay. Dadaanan ko lang.

Pagdating ko ay napatigil ako sa nakita ko. At unti-unti akong umiyak.

Nakita ko sina mama at papa na nagtatawanan at si yaya Cherry na nakangiti. Parang hindi nila ako hinahanap at mukhang hindi nila ako kailangan para maging masaya.

Sinara ko yung dalawa kong kamao at umalis na ako sa lugar na yon. Binalik ko yung kotse ko sa condo at naglakad na ako papunta sa trabaho.

Hindi ko naman kailangan ang sasakyan dahil ilang metro lang naman yung lakakarin ko.

At kakalimutan ko muna yung nangyari kanina. Magfocus ka Harmony pagsubok lang to!

Pagdating ko sa flower shop ay nakita ko si Ms. Rose na nag-aayos ng mga bulaklak.

Nabanggit din sakin ni Ms. Rose kahapon na may mga artista ding bumibili ng mga bulaklak dito.

Look how amazing she is.

"Harmony. Kanina ka pa ba dyan?"

"Opo.. Hehe..."

Nagulat ako ng makita ko sa gilid ng damit nya ang logo ng St. Marie Academy.

"Sa St. Marie Academy po ba kayo nag-aral?" Tanong ko.

"Oo dun nga ako nagtapos ng pag-aaral. Tsaka, diba dun ka din nag-aaral?" Aniya.

"Opo.. Sige po maam. Magsisimula na po ako." Pagpapaalam ko.

"Okey." Aniya.

Dalawang oras na akong nagbebenta ng mga bulaklak at mukhang madali lang namang magbenta. Kaso ang mahirap lang eh napakadaming bumibili.

"Pagod ka na?" Biglang sabi ni Ms. Rose.

"Hindi pa po." Tsaka ako ngumiti at tinuloy ang trabaho ko.

Pagod na nga ako pero gusto kong maging masipag sa paningin ng boss ko. Kaya ginagawa ko lahat mabigyan nya lang ako ng mataas na sweldo.

Walong oras na ang lumipas at gabi na pala. Nagpaalam na ako kay Ms. Rose para umuwi.

Pagdating ko sa unit ko ay biglang umilaw yung laptop ko.

Anong meron?

Tinignan ko ito agad at...









New Message: 'Thank you nga pala sa pagtulong mo sakin kanina Harmony. Good night. See you tomorrow.'

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now