Chapter 33: No Escape

77 10 0
                                    

Uwian na at hindi pa kami nagkikita-kita

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Uwian na at hindi pa kami nagkikita-kita. Mukang wala pa si Amy kaya dumiretso na ako sa pintuan pabalik sa fake campus.

Haaay.. Ang boring naman.

Pabukas ko ng pinto ay naglakad na ako palabas ng janitor's room. Tsaka na ako dumiretso sa labas ng building.

Wala na din ata si Flame dito.

Nagpasundo na lang ako kay mang Luis para umuwi.

"Ms. Harmony!" Sakto, andito na si mang Luis.

"Mang Luis pwede po bang ihatid nyo na lang ako papunta sa flower shop ni Ms. Rose?" Naisip ko kasing dumiretso na lang ako don.

"Sige po ma'am." Sagot naman nya. Tsaka na ako pumasok sa kotse at pinaandar ito.

Pagdating namin don ay pumasok na agad ako sa shop. Nadatnan ko si Ms. Rose na nag-aayos ng mga flowers habang nakangiti.

"Good afternoon po Ms. Rose." Bati ko.

"Harmony! Ba't ang aga mo ngayon?" Gulat na sabi ni Ms. Rose.

"Naisip ko lang po kasi na magtrabaho ngayon ng mas maaga para mas madami tayong maibenta." Sagot ko.

"Sige, tulungan mo na lang akong mag flowers arrange." Tumango na lang ako kay Ms. Rose at sinimulan ko na ding magflower arrange.

"Pwede po bang magtanong?" May naisip kasi ako.

"Ano yon?" Ani Ms. Rose.

"Sorry po kung itatanong ko to sa inyo pero, Bakit po sa edad nyong yan ay hindi pa po kayo nakakapag-asawa?"

Ngumiti lang sya sa tanong ko at nagsalita.

"Ayoko kasing mag-asawa." Tipid nyang sagot. "Masaya na akong makita itong flower shop ko na lumalago." Patuloy pa nya.

"Ah.. Ganon po ba?" Sumbat ko.

"Harmony andito kana?" Nagulat ako sa nagsabi non at si Chandrea lang pala. Kasama nya si Amy.

"Malamang." Natatawa ko pang sabi.

"Asan sina--" Sabay pa naming sabi ni Chandrea.

"Hindi mo rin alam?" Patuloy pa ni Chandrea.

"Sabi pala ni Nathan kanina na pupunta daw sya sa gym ngayong hapon. Pero si Flame hindi ko alam kung saan sya pumunta." Sagot ko.

Ang sabi nya lang naman sakin kanina eh pupunta daw sya sa first subject nya dun sa fake campus. Tsaka akala ko magtratrabaho pa sya rito ngayong hapon.

"Ganun ba? Sige magtrabaho na tayo." Ani Chandrea.

"Asan sina Nathan at Flame?" Tanong ni Ms. Rose.

"Ako na po ang mag-aapologize ma'am. Sorry po kung wala sila ngayon. Hindi ko din po kasi alam kung saan sila pumunta eh." Paliwanag ko.

"Sorry din po kasi hindi ko din po alam kung nasaan sila ngayon." Ani Amy.

St. Marie Academy (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant