Chapter 52: Depression

76 7 0
                                    

Harmony's PoV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Harmony's PoV

Agad kong binuksan yung pintuan ng clinic at agad akong lumapit kay Flame.

"Flame..." Mahina kong sabi. Naiiyak na naman ako...

Wala pa din syang malay. Pero naka balot na ng bandage ang ulo nya.

"Kamusta na sya?" Tanong ko kay Nathan.

"Sabi ng nurse okey na daw sya, pero kailangan na syang mailagay sa pinakamalapit na ospital. Hindi na daw kasi kakayanin ng supplies nila dito." Ani Nathan.

"Kung ganon, Dalhin na lang natin sya sa ospital namin." Sambit ko. At tumango naman si Nathan.

"Nurse pakigamot nga po itong sugat ng kaibigan ko." Ani Amy.

Lumapit ang nurse sakin at umupo sa tabi ko para gamutin ang braso kong napaso.

"Guys... Sa tingin ko kasalanan ko to..." Biglang sabi ni Chandrea.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ko.

"Una pa lang. Nagkaroon na ako ng kasalanan kay Mary." Ani Chandrea.

"Hindi mo naman sinasadyang tapunan sya ng ketchup." Ani Nathan.

"Pero... Sabi ni Mary noong isang gabi, gusto nya daw patayin si Chandrea." Ani Amy.

"Yun nga yung punto ko eh. Una palang may galit na sya sakin." Naiiyak na sabi ni Chandrea.

"Magbabayad si Mary sa pagsasampal at pagsasabunot nya kay Chandrea." Seryoso kong sabi.

"Wag baka pahirapan ka pa nya. Kasalanan ko din naman kung bakit tayo natalo..." Ani Chandrea.

"Wala kang kasalanan." Ani Nathan.

"Meron, aminin nyo man o hindi. Ako ang dahilan kung bakit muntik mapahamak si Harmony noong araw na nag-away kami, ako din ang dahilan kung bakit madaming oras ang nasayang sa laban. Dahil sa kabobohan ko... Hindi ko man lang alam maglaro ng jumping rope, takot pa ako sa isang napakaliit na bangka, tapos hindi ko pa kayang umakyat ng bundok... Sorry... natalo tayo dahil sakin... kasalanan ko ang lahat..."

Humagulgol si Chandrea dahil sa mga sinabi nya. Ganon pala ang nararamdaman nya.

"Aalis na ako." Ani Chandrea tsaka sya nagdabog na umalis.

I think she's depressed...












***















Chandrea's PoV

Tumakbo ako ng mabilis paalis sa lugar na yon. Kasalanan ko ang lahat. Magaling lang pala ako sa academics pero sa experience, napakabobo ko.

Ayoko na... ayoko nang mabuhay...

Tumakbo ako ng mabilis palabas sa St. Marie.

Umulan pa.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now