Chapter 12: Hiding Something

98 11 1
                                    


Harmony's PoV

Gumising na ako ng maaga. At nagjogging. Haaaaay... Ang sarap ng hangin dahil malamig ngayon.

Isang oras na ang lumipas at nakalayo na ako ng jinogging kaya napagod nako. Pumunta muna ako sa isang park sa harap ng condominium. At umupo sa isang bench.

Wala pa palang tao ngayon.

Hindi ko alam pero bigla na lang ako umiyak.

Ilang araw na ang lumipas at hindi man lang ako hinahanap nina mama at papa. Ba't ba ganon sila?!

"Ampon ba ako?" Tanong ko sa sarili ko.

"Sa tingin ko oo." Sabi ng isang lalaki. Kaya napatayo ako at agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Nathan?!" Ba't andito sya?

"Binisita lang kita. Sakto andito ka pala." Aniya.

"Ang aga aga mo naman para bumisita." Sambit ko. Tumawa sya sa sinabi ko.

"Sorry. Sanay lang talaga akong gumigising ng maaga." Aniya.

Naglakad na lang ako paalis sa kanya at dumiretso sa unit ko.

Anlamig kasi.

Pero naka-ilang hakbang palang ako ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Waaaaaag!" Sigaw ko.

But it's too late..

Biglang sumakit ang ulo ko at nawalan ng malay. Ganon din ang nangyari kay Nathan.

Pagbangon ko ay napatingin ako sa katawan ko. At shet. Sabi na nga ba. Mag-kakapalit kami ng katawan.

"Good morning Harmony!"

Si Amy nandito.

"Hindi sya si Harmony. Sya si Nathan." Bigla kong sabi.

"Anong pinagsasab-- teka! Ba't andito ako sa-- ba't andyan ka sa--- what's happening?!" Natatarantang sabi ni Nathan.

"Akin nga yang kamay mo!" Pagkasabi ko yon ay hinablot ko ang kamay nya.

At sa wakas bumalik na kami sa dati.

"Ganon ba ang epekto ng soul witch?" Tanong ni Nathan.

"Definitely yes!" Happy na sabi ni Amy.

"Nakakatakot ka pala Harmony. Parang nakakamatay ang pagswiswitch ng kaluluwa." Ani Nathan.

"Kung ganon wag mo na akong lapitan." Seryoso kong sabi.

Tsaka na ako umalis.

"Harmony!" Narinig kong sigaw ni Nathan.

"Wag mo na muna syang intindihin." At narinig ko namang sabi ni Amy.

***

Kinaumagahan...

Haaaaaaay!

Nag-unat ako at parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hinawakan ko ang sarili ko at... Geeeez...

Linalagnat ako...  T____T

Pero may P.E. kami ngayon! At hindi ako pwedeng mag-absent! May exam din kami ngayon at walang excuses yon!

Potek.

Pinilit kong bumangon at magbihis. Tsaka na ako sumakay sa bus. Wala na kasi yung school bus dahil na late ako ng gising. At dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Inaantok pa akoooooo!!!

"Miss dito ka na diba?" Biglang sabi ng mamang driver.

"O-opo!" Tsaka na ako bumaba.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon