Chapter 34: Trying my Power

76 9 0
                                    

Flame's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Flame's PoV

Naglalakad kami ngayon sa gilid ng kalsada. Grabe, ni isa sa kanila wala man lang nagdala ng sasakyan.

Teka...

"Wag nyong sabihing pupunta tayo sa bahay ko." Pagbabalik ko ng usapan.

"Relax bro, play along lang yon." Ani Nathan. "Sa bahay nila Harmony tayo pupunta."

"Ano?!" Gulat naman na sabi ni Harmony. "Bakit sa bahay namin?"

"Uhm... kasi... ikaw yung leader namin?" Nagmaangmaangan pang tanong ni Chandrea.

"Fine. But there's only one condition." Sabi nya samin habang nakapamaywang.

"Ano?" Tanong ko.

"Don't ask anything about my family. Ayoko lang yon pag-usapan." Seyosong sabi ni Harmony. "Am I clear?"

"It's crystal clear. Right guys?" Masaya namang sabi ni Nathan.

Tumango naman kaming lahat. Pabida talaga tong lalaking to.

Grrrr!! Naaalala ko na naman yung pinag-usapan namin kanina sa restaurant. Lagot talaga sakin yang Nathan na yan.

"Dito muna tayo sa waiting shed habang hinihintay natin si manong Luis. Yung driver namin-- wait lang tatawagan ko sya." Ani Harmony.

Kalahating oras kaming naghintay at sa wakas dumating na yung driver nila. Sumakay na kaming lahat at umandar na yung kotse.

Hindi pa kami nakakapunta sa bahay nila Harmony kaya wala pa kaming ideya kung anong klaseng buhay ang meron sya.

Muntik ko nang makalimutan, doktor at doktora nga pala ang mama at papa nya. Plus, nagmamay-ari sila ng isang ospital. Kaya sa tingin ko, marangyang pamumuhay ang meron sila.

Pagdating namin don. Isang malaking bahay ang bumungad samin. Grabe, halos kalahati nga lang ng bahay nila yung bahay namin eh.

Bumababa na kami sa kotse nila tsaka na kami pumasok sa bahay nila.

"Pumasok kayo sa munti naming tahanan." Biglang sabi ni Harmony. "Pinaalis ko muna yung mga katulong namin kaya walang tao ang makakarinig at makakakita satin."

Binuksan nya ang malaki nilang pintuan at bumungad samin ang malawak nilang sala na may chandelier sa tuktok. At may isang malaking hagdan sa harap. Coffee-cream color ang theme ng bahay nila kaya medyo simple.

"Upo kayo." Sabi ni Harmony at umupo na lang din kami sa sofa nila.

Nagulat na lang kami ng magsimula syang magbasa ng libro ng dating headmaster.

"Ang cute ng bahay nyo." Biglang sabi ni Chandrea.

"Oo nga, namangha din ako noong una akong nakapunta rito." Sabi naman ni Amy.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon