Chapter 19: Preparation

84 10 0
                                    

"Oo, papayagan namin kayong pumasok doon kung

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oo, papayagan namin kayong pumasok doon kung... mananalo kayo. Actually, nanggaling na kami don kasama ang ating Headmaster na si Mr. Grim Wu. Naroon din ang mga tinuturing nating mga legend witches. So you should prepare yourselves!" Ani Ms. Trina.

"S-seryoso ba sila?" Gulat na sabi ni Nathan.

"Sa tingin ko oo." Ani Amy. Nakakatakot ata itong laban na to ah..

"At ang pangatlo! Ang pinakahuli!" Sigaw ni Ms. Trina. "THE FIRST STAGE OF GRAND PRIX WILL START TOMORROW!"

Shet.

"Sorry late ako!" Sigaw ni Flame.

"Wow ang aga mo ah." Sarcastic na sabi ni Nathan.

"Salamat walang nagsabi sakin." Sarcastic naman na sabi ni Flame.

"Tama na nga." Pang-aawat ko.

"Oo nga. Magsisimula na ang grand prix bukas." Ani Chandrea.

Pagkasabi non ni Chandrea ay biglang namayapa ang katahimikan sa aming lima.

"Any Plans?" Ani Amy.

"Kailangan nating mag-prepare." Sagot ko.

"Pero.. May klase pa tayo." Ani Nathan.

"Edi... gagawa tayo ng paraan." Sumbat ko.

Tapos na ang announcement kaya pumunta na kami sa first subject namin.

***

Kalahating oras na kaming naghihintay sa classroom namin pero hindi pa dumadating si teacher. Dati mas maaga pa nga sila samin eh.

"Classmates wala daw tayong pasok ngayon! Maghahanda daw yung mga teachers natin ng mga spells na gagamitin nila para sa grand prix bukas." Seryosong sabi ng Public Information Officer o ang P.I.O. namin.

Nga pala. Si Flame ang president namin dito sa section na to. Si Nathan naman ang vice p. At sina Amy at Chandrea naman, peace officers.

Ako? Syempre wala. Wala pa kasi ako noon dito sa main campus ng St. Marie noong araw ng election dito.

"Mabuti kung ganon! Mas magkakaroon na tayo ng time para makapagprepare!" Ani Amy.

"Tama si Amy." Sumbat ko.

Kaya umalis na kaming lahat sa room namin. May mga studyanteng umuwi na at may mga studyanteng nag-stay din para magplano at magpractice.

Dumiretso naman kaming lima sa library para magresearch. Actually miss ko na din yung araw na lagi kong linalaan ang oras ko sa mga libro.

"Maghahanap kami ng mga libro na makakatulong satin. At ikaw, basahin mo lahat ng nasa librong to." Ani Flame.

Tsaka nya binigay sakin ang libro ng dating headmaster. Hiniram nya pala sakin kahapon bago kami umuwi.

St. Marie Academy (Completed)Where stories live. Discover now