Chapter 80: The Anxiety

56 2 0
                                    


Harmony's PoV

Friday na at absent parin si Flame. Apat na araw syang absent. Grabe.

May point nga sya sa sinabi nya noong dumalaw kami sa bahay nila, at simula non... hindi na namin binanggit yon.

Pero mali pa rin ang iniisip nya pero hinayaan ko na lang. Alam ko kasing gulong-gulo sya sa nagdaang pangyayari.

Sinabi pa nga nya papasok na daw sya pag okey na ang lahat.

Pero, kelan?

Next week? Next month? Next year? Tsk.

Inannounce na din ni Ms. Trina kahapon na next month daw gaganapin yung finals. Kasi pupunta pa daw sila sa mundo ng mga witches o ang El Mahika para kumuha ng 'Jeminie'. Hindi ko alam kung ano yon pero i-eexplain na lang daw pagdating ng finals.

Tsaka para na din daw bigyan kami ng sapat na oras para makapag-practice at makapag-prepare.

Nagiging boring na din ang mga nagdaang araw dahil puro academics lang ang laging nilelesson namin.

Lesson nga diba Harmony? Tanga ka ba? Lol.

"Guys, pasyal tayo bukas. Total weakened na naman." Biglang sabi ni Nathan.

Naglalakad na kami ngayon pabalik sa classroom namin. Kakatapos lang kasi ng breaktime. At ni minsan ay hindi namin nakita kanina ang mga bulto ng Team Tenoji.

Asan na kaya sila?---

Speaking of...


Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kaming napatigil na apat. Pero ang mas hindi namin alam, ay kung bakit naglakad na lang ng diretso sina Ms. Maureen ng hindi dumadapo ang kanilang mga mata sa amin.

May galit na ba sila samin? Por que kami ang magkakalaban sa finals?

"That jerk." Galit na sabi ni Amy ng makalayo na sila. "Anong problema nila? Lalong-lalo na si Drei, hindi man lang nya ako pinansin. Tsk. Ang sarap talagang bugbugin ng lalaking yon."

"Feeling ko linalayuan na nila tayo upang maging madali para sa'tin ang lumaban. I mean pag dumating na ang finals, wala nang feelings and emotions ang mangyayari." Sabi naman ni Raven.

"Pero, pwede namang maging friends pa rin tayo at ng Team Tenoji kahit na sa finals na lang tayo sumeryoso."

"Nahihibang ka na ba? Syempre mas mahirap na yung sitwasyon pag ganon." Sumbat ni Raven kay Nathan.

"Hay, basta pasyal muna tayo bukas para magkaroon muna tayo ng peacefulness ng utak."

"Saan naman tayo papasyal?" Tanong ni Amy kay Nathan.

"Anywhere." Sagot naman ni Nathan.

"Anywhere? Paano kung... sa north pole." Asar ni Raven.

"No problem. Bibili ako ng tickets para sa'tin." Sagot ni Nathan.

"Wow, ang yaman ah." Ani Amy.

"Tsk. Nakalimutan nyo na ba ang business namin? Guys, we own an air company. That means we also own a lot of airplanes and airports! Nakalimutan nyo na ba?" Natatawang sagot ni Nathan.

Kami naman 'no comment'. Nakalimutan kasi namin.

"Ano ang masasabi mo leader?" Tanong ni Nathan.

"Pwede naman yung idea mo Nathan. We need a peaceful and a relaxation place for our minds." Sagot ko.

"Pero sa north pole talaga? Sure kayo?" Natatawang tanong ni Amy.

"Joke ko lang naman yon, wag kang OA." Sumbat ni Raven.

St. Marie Academy (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя