Chapter 4

16.6K 685 165
                                    


Zaparta's POV

Hindi pumasok ang tira ni Summer at nakuha ni Math ang bola. Hinagis nya ito papunta sakin. Sinalo ko ito at tumakbo papunta sa kabilang court.

Kasabay ko si Blythe tumakbo at sinusubukan nya akong harangan. Tumigil ako saglit at itinaas ang bola. Bigla naman tumalon si Blythe, inakalang ititira ko na ang bola. Nag-step right ako at tinira ang bola. Shoot.

"Nice one!" sigaw ni Marceline.

Pagdating ng fourth quarter ay hingal na hingal kami. Halos pagod na kaming lahat kakatakbo. Kahit na nagjo-jogging ako three times a day ay hindi ko maiwasan mapagod at hingalin dahil sa intense ng laban namin. Second quarter nagsimula na silang magpakita ng galing nila. Walang duda talaga na pinili sila para mag-training dito. Tama ang desisyon ng management na pinili sila para mag-training.

Hanga na nga ako sa team up nila dahil para silang nagkakaintindihan kahit na walang salitang lumalabas sa bibig nila. Natatambakan nga nila kami eh. Lamang sila ngayon ng anim na puntos. Solid na agad ang team nila.

Lamang kaming lima...

Tumingin ako sa mga kasamahan kong pagod na pagod. Bumuntong hininga ako.

Hindi kami solid. Yun lang ang masasabi ko.

Pero aaminin ko na magagaling din ang tatlo. May problema lang kay Math dahil hindi talaga sya makagalaw kapag si Kriza ang bantay nya. Si Cleo, taob din sya kay Kriza kaya pagdating sa rebound, walang wala kami pero ang malupet kay Cleo napapatumba nya si Wyn at Blythe kapag nagdu-dunk sya. Kung hindi lang talaga mataas tumalon si Kriza nakakarebound kami sa tibay ni Cleo. Si Justin naman, dahil taob kami sa ilalim pumupuntos na lang sya sa labas, wala syang laban sa ilalim dahil mablo-block agad sya ni Kriza pero at least walang palya ang mga tira ni Justin. Hindi lang kami makahabol ngayon dahil mahigpit ang bantay sa kanya ni Wyn.

Sinabayan ko si Faith sa pagtakbo, hinarangan ko sya at hindi sya makawala sakin. Nakikita ko sa mukha nya ang pagkairita at pinasa na lang ang bola.

"Balik-balik!" sigaw ni Marceline. Nakuha nya ang bola.

Tumakbo kami sa kabilang court. Mabilis na humahabol si Kriza sa kanya.

"Sorry, babe." narinig kong sabi nya at tinira ang bola, hindi nga ata tira ang ginawa kundi bato.

Kapag ganon ay alam ko na ang gusto nya. Mabilis akong tumakbo. Tumama ang bola sa ring at nag-bounce ito pabalik. Tumalon ako, sakto papunta sakin ang bola. Kinuha ko ito. Nagulat ako na tumalon si Kriza. Hindi ko madu-dunk ang bola dahil mababangga ko sya at worse hindi pa pumasok.

"Zap!" rinig kong tawag ni Math.

Parang cue 'yon sakin para ihagis ang bola sa ring. Hindi iyon papasok dahil sa wala akong force para iayos ang tira. Pagkababa ko sa ere ay saktong tumalon si Math at kinuha ang bola tsaka nito pinasok sa ring.

"Boo yeah!" sigaw nya at nagtaas pa ng dalawang kamay.

"Nakapuntos ka din Math!" biro na sigaw ni Justin.

Ah kaya pala ganon na lang ang reaction nya. Napailing ako.

Pero natigil ang pandidiwang namin na mabilis na ipinasa ni Kriza ang bola kung kanino man. Hindi kami naka-react dahil nakapuntos ulit sila.

"Grabe! nandidiwang pa ako eh!" sigaw ni Math.

"Hindi pa naman tapos ang laban bakit ka mandidiwang?" mataray na sabi ni Faith habang hinihingal.

Bumuga ako ng hangin. Binawasan nga namin yung lamang samin pero nakakuha pa din sila ng puntos.

"One minute left!" sigaw ni coach Ella.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now