Chapter 69

15.9K 677 215
                                    


Rigel's POV

"Good morning, everyone." bati ni Tita Zoe na kasabay kong pumasok sa gym. Nakita namin ang buong miyembro ng Miracle, o hindi.

"Nasaan si Dite?" tanong ko sa kanila nung hindi ko sya makita sa kanila. Naglingunan naman silang lahat.

"Nauna 'yon sakin dito ah?" takang sabi ni Tita Zoe.

"Uhm...kasama po sya ni Tita Kill." napatingin kaming lahat kay Titania.

"Saan sila pumunta?" tanong ko.

"Alam ko na kung saan sila pumunta. Tara, puntahan natin sila." sabi ni Tita Zoe kaya naman sumunod kami sa kanya.

"Rigel." nilingon ko si Julia na sumabay sakin sa paglalakad. "Alam na alam na wala si Dite ah." mahinang sabi nya habang may ngisi sa mga labi nya.

"Shut up. Madali lang mapansin na wala sya since sya ang pinakamatangkad sa inyo." sabi ko.

"Sabi mo eh." nakangising pa rin na sabi nya habang nasa likuran ng ulo nya ang dalawang kamay nya.

Ayoko talaga ang pang-aasar nya. 

Malayo pa lang ay nakita na namin sila Tita Kill. Nasa sand beach court sila habang tila nagpapantintero sila. May hawak namang bola si Dite pero hindi nya ito pinapatalbog.

"Mukhang si Dite na ang bagong tuturuan ni Tita Kill ah." sabi ni Julia tapos tumingin kanila Zandy at Kennie. Nung una si Zandy lang ang tinuturuan ni Tita Kill, may special training palagi si Zandy kay Tita Kill sa gabi at nung dumating si Kennie ay dalawa na silang may special training kay Tita Kill.

Nakalapit kaming lahat sa dalawa. Hindi nila kami pinansin at tuloy lang sila sa ginagawa nila. Pinipilit ni Dite na makatakas sa bantay ni Tita Kill na hindi pinapasa ang bola sa kanang kamay nya. Sa kaliwa nya sya palagi gustong lumusot pero hindi sya pinagbibigyan ni Tita Kill. Inilalayo rin nya ang bola kapag sinusubukan ni Tita Kill kunin ito. Mukhang naiintindihan ko na kung bakit nila ito ginagawa.

"Ginagawa ito ni Ate Kill dahil alam natin na halos lahat ng tao ay mahina ang kaliwa nila lalo na sa defense. Maganda itong ginagawa ni Ate Kill kay Dite. Madaling itong makalagpas." sabi ni Tita Zoe.

"Kahit na sanay na si Dite sa kaliwang kamay nya, pero sa pag-dribble ay hindi ito sanay kaya nahihirapan sya." sabi ni Kennie. Tinignan ko ito at napalingon ito sakin. "Naglalaro kami ni Dite habang nasa Little Miracle kami." nakangising sabi nya. Itinaas ko ang clipboard para ihampas sa kanya pero mabilis syang nagtago sa likuran ni Zandy. Napakunot naman ang noo ko.

"What the heck?" takang tanong ni Zandy kay Kennie.

"Hindi ka nya kayang saktan dahil masyado kang cute para sa kanya." sabi ni Kennie. Namula naman ang mukha ni Zandy dahil don. Lagi syang ganyan kapag nasasabihan ko sya ng cute.

"Mukha ka kasing halimaw, Kennie kaya nasasaktan ka ni Rigel." biro ni Julia.

"Mukha mo 'yon." sabi ni Kennie at umayos na ng tayo.

Patagal ng patagal, nawawala ang pagiging cold ni Kennie sa Miracle. Sumasabay sya minsan sa biro ni Julia.

"Sinabi mo na naglalaro kayo ni Dite sa Little Miracle, sinong nananalo sa inyo?" tanong ni Lee.

"Samin na lang 'yon." nakangising sabi nya samin.

Right, iniwanan nya kami ng malaking tanong. Nakakabwisit talaga ang isang 'to.

Saktong nakita naming nahawakan ni Tita Kill ang bola kaya nawala sa pagkahawak ni Dite ito. Tumigil na muna sila. Lumapit samin si Tita Kill habang naupo naman sa buhangin si Dite. Iniisip ko kung ilang oras na ba silang nandito at napagod itong si Dite. Dahil sa ginagawa nyang training, matagal bagong makaramdam ng pagod itong si Dite.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now