Special Chapter: Tyrant Torres

11.1K 581 404
                                    


Tyrant's POV

Natatawa ako habang pinagmamasdan si Julia at Sylvia na nag-aaway sa pag-aayos ng upuan. Para silang bata. Hindi ko alam kung excited lang sila dahil uuwi na rin ang mga hinihintay nilang mga kaibigan namin.

Ngayon ang uwi ng mga kaibigan namin na sila Samantha, Joella, Blysse at Eloi. Ang mga pamilya lang nila ang sumundo sa kanila sa airport. Base sa oras, siguradong nasa pilipinas na sila. May welcome party kami para sa kanila at mamayang gabi iyon gaganapin kaya mamayang gabi pa namin sila makikita. Sigurado kasing may jetlag ang mga 'yon kaya hindi muna namin sila inistorbo at pamilya muna nila ang makakasama nila.

Gaganapin ang welcome party sa apat dito sa camp ng Miracle. May pool kasi sa open field nila at gusto ng iba na maligo. Mukha kasing may mga pranks na gagawin ang mga 'to sa apat. May nakita nga ako na mga itlog, kamatis at harina na mukhang gagamitin nila sa apat. Kawawa ang apat mamaya.

"Excited ka ba na makita uli si Samantha?" nakangiting tanong ni Lulu habang taas baba ang mga kilay.

"Sira ka, syempre naman." nakangiting iling na sagot ko. "Apat na beses sa isang linggo lang kami nakakapag-usap ni Samantha sa sobrang pagod at busy nya sa Queer."

"Bakit kasi hindi mo sya dinadalaw kapag pumupunta sila Ate Kriza don?" tanong nito.

"Ayaw ni Mama." nakangusong sagot ko. "At ayaw ni Dite." natawa sya sa sinabi ko.

"Isang beses mo lang sya nakasama nung doon kayo nagbakasyon 'no?"

"Oo, last three years pa yun eh." ang tagal ko rin na hindi nakakasama si Samantha.

"Mabuti going strong kayo. Mukhang hindi talaga lahat ng LDR na sisira eh." nakangiting panukso nya.

"Oo naman. Loko-loko lang si Samantha pero hindi marunong mambabae 'yon." sabi ko. "At manyak lang 'yon pero hindi yun tigang. Virgin pa nga 'yon eh." natawa kami. "Speaking of virgin, ikaw?" ako naman ngayon ang mang-aasar sa kanya. Natawa ako nung pagmulahan sya ng pisngi.

"Ilang years na rin kami ni Asta 'no at hindi na kami bata." nakairap na sagot nya.

"Ayiee!" sinundot ko ang tagiliran nya at tawang tawa ako dahil nangamatis ang pisngi nya. "Sherep?"

"Tyrant!" natawa ako sa reaction ni Lulu.

"Natikman mo ba si Asta?" tanong ko na may panukso pa rin sa labi. Natutuwa ako sa pagiging cute ni Lulu sa ganitong usapan.

Lumapit sakin si Lulu at bumulong na 'oo'. Kinilig naman ako kaya napatili ako habang niyuyugyog sya.

"Hanep ka, Lulu!" natatawang sabi ko.

"Shhh!" pulang pula ang mukha ni Lulu. "Makakaranas ka na rin nyan dahil uuwi na si Samantha."

"Sira ka, kaya nga hindi ako pinapayagan na puntahan si Samantha dahil ayaw nilang may mangyaring ganon." sabi ko.

"Oh sabagay."

"Palibhasa, engaged na kayo ni Asta kaya inuna na ninyo ang honeymoon." nanlalaki ang mga mata nya sa sinabi ko. Tumingin pa sya sa paligid kung may nakarinig eh ang layo naman namin sa mga kasamahan namin.

"Ingay mo!" tumawa ako ng malakas.

Mahigpit rin naman ang mga magulang ni Lulu pero dahil nagkakasama na sa bahay yung dalawa, hinayaan na sila sa gusto nilang gawin pwera lang sa bahay nila Lulu dahil masyadong mahigpit si Mama Japan pero sa bahay nila Asta ay okay lang since madalas wala naman tao sa kanila. 

Ikakasal na lang rin naman yung dalawa next month. Last year ay nag-propose si Asta kay Lulu sa harap ng mga pamilya nila. Nakakaasar nga dahil hindi namin iyon nasaksihan. Sila-sila lang daw magpapamilya ang nandon. Nalaman na lang namin nila Dite nung binalita ni Sylvia pagka-yes ni Lulu. Loko rin si Sylvia eh, nauna pa syang magsabi kaysa sa dalawa.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now