Special Chapter: Cat vs Dog

11.7K 593 321
                                    


Zandy's POV

"Haaa..." mahabang buntong hininga ni Asta. "I can't believe this." tukoy nya sa dalawang taong nasa labas na naghaharutan pero nagbabangayan talaga sila dahil sa kakulitan ni Sylvia.

"Sino ba naman hindi? kahapon lang wala naman thing sa kanila." sabi ni Tyrant na may diin sa thing.

Natawa ako. "Suportahan na lang natin si Sylvia. Mukha naman okay sila. May pagkahindi lang gusto si Lee pero mukha naman okay sila. Hayaan na lang natin sila." sabi ko.

"Ayoko lang na parehas sila masasaktan dahil sa padalos-dalos nila." sabi ni Dite. Masyadong protective ang isang 'to. Akala mo mas matanda sa lahat.

"Part na yon ng love, Dite." sabi ni Rigel.

"Anyway, Zandy ikaw na lang walang jowa." sabi ni Lulu.

"Oo nga, kailan mo balak magkajowa?" tanong naman ni Tyrant.

"Wala ka pang jowa at nanliligaw pa lang si Sylvia, so hindi lang ako yung single." nakangiting sagot ko.

"At least, on the way na lovelife namin." sagot nya. Natawa ako.

"Don't worry, on the way na rin ang kay Zandy." napatigil ako sa pagtawa nung sinabi yon ni Dite.

"Weh? Sino napupusuan ni Zandy?" nae-excite na tanong ni Lulu.

"Sino yon, Zandy? hindi ka nagsasabi ah!" sabi ni Rigel.

Pinagkaguluhan nila akong tatlo nila Tyrant. Pahamak na Dite 'to. Hindi pa naman ako obvious ah? o obvious nga? pero bakit pa ako magtatanong eh si Dite yan.

Napansin ko na may binulong si Dite kay Asta. Napangisi naman yung isa at tumingin sakin. Right, mapapaamin ako sa mga 'to ngayon.

"Zandy!" napabalik ang tingin ko sa tatlo. Napakamot ako ng ulo. Nahihiya akong sabihin sa kanila kung sino.

"Sabihin mo na kung sino." nakangising sabi ni Dite. Pinaliitan ko ito ng mga mata. "Pinsan mo ako, natural na mapapansin ko ang galaw mo." sabi nya pa.

Napabuntong hininga ako. Ano pa nga ba ang matatago ko kay Dite? Kilalang kilala nya ako.

"Si Kennie ba yan?" gulat na napatingin ako kay Asta. Ngising ngisi sya sakin.

"Si Kennie?" takang tanong ni Rigel habang yung dalawa ay nagulat. "Seryoso?"

"Anong meron kay Kennie?" napatingin kami sa pintuan at bumalik yung dalawa. Nakaakbay si Sylvia kay Lee. Nakasimangot si Lee. Napagod ata sa kakulitan ni Sylvia.

"May gusto daw si Zandy kay Kennie. Can you imagine that?" nakakunot ang noong sabi ni Rigel.

Napangiwi naman ako. Mahirap naman talaga paniwalaan. Para kaming aso't pusa ni Kennie na palagi na lang nagbabangayan at nag-aasaran.

"Ngayon nyo lang napansin?" nakasimangot pa rin na sabi ni Lee. Sinubukan nyang alisin ang braso ni Sylvia pero makulit yung isa.

"Hindi namin napansin. Sinabi lang ni Asta." sabi ni Tyrant.

"Sinabi lang ni Dite kanina." sabat naman ng isang binunyag ako. Bawiin ko kaya yung binigay ko sa kanyang regalo nung kasal nila ni Lulu? gustong gusto nya pa naman yon.

"Madalas kong mapansin na panay ang lingon ni Zandy kay Kennie at yung mga palihim nyang ngiti kapag nagbabangayan silang dalawa." sabi ni Lee.

"Seryoso?" gulat na tanong ni Sylvia pero maya-maya ay malakas itong tumawa. Mabuti na lang walang customer ngayon kundi napatingin na samin kanina pa. "What the hell? Ikaw at si Kennie? No way!" natatawang sabi nya pa. Hawak nya na ang tiyan.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now