Chapter 64

15.3K 725 408
                                    


Zandy's POV

Nagawa naming manalo sa Zebra Jacks na wala ng iba pang naka-injury samin. Napipisikal kami ni Lee pero hindi kami pumalag sa kanila at pumuntos pa rin para manalo. Ngayon ay binisita namin si Kennie na sinugod sa hospital para doon matignan ng maayos. Naabutan namin sya kasama si Tita Kiwi.

"Ate Kiwi, anong lagay ni Kennie?" tanong ni Tita Kill. Umiling si Tita Kiwi.

"One month pa bago sya pwede makalaro." sagot ni Tita Kiwi. Tumingin kaming lahat kay Kennie. Napansin ko na nakayukom ang dalawang palad nya.

"Nakakainis talaga sila." sabi ni Julia.

Natahimik kaming lahat. Dismayang hindi makakalaro sa final si Kennie. Kahit na nag-away kami kahapon ay naawa at naghihinayang ako para sa kanya. Kung kailan nasa final game na kami, doon pa sya hindi makakalaro.

"Sa final." tumingin kaming lahat kay Kennie. "Manalo kayo." mariin na sabi nya habang nakayuko. Napaawang ang bibig ko pero itinikom ko rin.

"Kami na ang bahala." sagot ko. Napatingin naman sakin ang iba.

Ikiniyukom ko ang palad ko dahil naiinis na ako. Kung hindi naging madaya ang Zebra Jacks, hindi magkakaganito si Kennie. Hindi ko syang makikitang ganitong kahina kahit na ramdam ko ang galit nya.

Kahit na malabo, susubukan naming manalo sa final. Hindi ako panghihinaan ng loob kahit na hindi sya makakalaro. Mas lalo kaming panglalakasan ng loob para manalo. Hindi namin bibiguin si Kennie pagkatapos ng naitulong nya para sa Miracle.


Tahimik lang ako habang nasa hapagkainan kinagabihan pati si Tita Zoe. Wala naman sumubok kausapin kaming dalawa dahil alam nila ang nangyari kay Kennie. Alam nilang malaking kawalan si Kennie sa Miracle.

"Sinong manonood sa laban ko sa susunod na araw?" pagbabagsak katahimikan ni Dite. Lihim naman akong napailing.

"Sorry, anak. Laban rin ng Miracle 'yon." sabi ni Tita Zoe. Mauuna ng isang oras ang laban ni Dite sa susunod na araw sa final game namin laban sa Dragon Empire. 

Dragon Empire ang nanalo sa laban nila ng Shakers. Lamang sila ng lima.

"Free ako non kaya mapapanood kita." sabi naman ni Tita Alexa.

"Hmm. Okay. Susunod na lang kami ni Mommy sa laban ninyo." sabi naman ni Dite.

"Thanks, anak. Galingan mo okay? kahit na alam kong kayo ang mananalo." nakangiting sabi ni Tita Zoe.

Dahil kay Dite ay napalitan ng saya ang hapagkainan namin. Hindi ko na rin naisip ang laban sa Dragon Empire at in-enjoy muna kasama ang pamilya. Tsaka ko na iisipin kung paano manalo sa Dragon Empire.

Pagkatapos kumain ay nagtungo na ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Ngayon ay iniisip ko na kung paano ang gagawin namin.

"Hey." tumingin ako sa pintuan. Nakita ko si Dite. "Wag mo masyadong isipin ang laro. Mag-relax ka muna ngayon at bukas mo na gawin yan. Siguradong makakaisip ka bukas." sabi nya at isinara ang pintuan. 

Napangiti naman ako. Kakaiba talaga mag-alala ang taong 'yon. Sinunod ko ang payo nya at natulog muna ng mahimbing.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Nagtataka naman ako sa ingay kaya lumabas ako na hindi naghihilamos man lang.

"Ah! Good morning, Zandy!" nakangiting bati ni Tita Zap. Gulat naman na tinignan ko sya. Akala ko nasa bahay sya nila Ate Kriza? "Lalabas kami, sama ka." pang-aaya nya.

"Huh?" hindi ba sya nag-aalala sa laro bukas? hindi naman kaya...

"Wag mo munang isipin ang laro bukas. Tinawagan ako ni Dite para alawin ka ngayon araw dahil alam nyang sasaluhin mo ang problema ng Miracle. Don't worry, hindi naman tayo magpapagod sa lakad natin. Magre-relax lang tayo sa hotspring tapos uuwi rin para naman makapaghanda ka bukas." nakangiting sabi nya. "Inaasahan ko pa rin ang magandang laro bukas, Zandy." dagdag nya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now