Chapter 17

16.6K 734 316
                                    


Zaparta's POV

"Edi kayo na nyan?" tanong ni Stace.

"Sira, hindi." sabi ko. Nagpra-practice kaming dalawa ngayon dito sa gym ng mga boys. Iniwanan naman kami saglit ni coach Ella dahil may aasikasuhin lang ito saglit.

"Bakit hindi?" tanong nya at ibinato sakin ang bola. Shooting ang ginagawa kong practice ngayon. Hindi ako magaling sa tres kaya ito ngayon ang ginagawa ko. Kapag matagal ang seremonyas ko, pumapasok ang bola sa ring pero kapag binibilisan ko hindi pumapasok. Kailangan kong mag-practice ng mabilis kong ire-release ang bola dahil kung hindi, maagaw sakin ang bola kapag nasa totoong laro na.

"May boyfriend yung tao at sinabi nya sakin na hindi purkit gusto nya ako, okay na kami. Ganon pa din naman kami pero..."

"Pero may sweetness moment na nagaganap?" tanong nya habang nakangiti na halatang nanunukso.

"Hindi din?" patanong na sagot ko. Kumunot ang noo nya. "Kinakantahan ko lang sya sa gabi. Yun lang ang tingin kong time na meron kami, yung bago kami matulog. Magkaiba kami ng team kaya hindi kami ganon magkita. Sa kwarto lang. Tsaka nandyan si Faith. Ayokong may makaalam na bukod sayo at kay Marceline na gusto ko si Kriza." sabi ko at itinira ang bola sa ring. Pumasok naman 'yon.

"Sabagay, malaking issue 'yon. Pero hindi ka ba nasasaktan o nagseselos sa tuwing nakikitang magkasama yung dalawa? lalo na kapag kainan?" tanong nya at binato ang bola sakin. Sinubukan kong itira agad ang bola pero hindi ito pumasok sa ring. Tumama lang sa ring tapos wala na.

"Nagseselos ng kaonti. Kasi si Faith kinakausap nya kahit papaano eh, ako hindi eh." sabi ko. Natawa naman si Stace doon.

"Parang walang nangyaring bago." sabi nya. Lumapit sya sakin. "Kailan nagsimulang nagkagusto sayo si Kriza?" tanong nya.

"Sabihin ni Marceline, nung mga bata pa kami may gusto na daw sakin si Kriza na hindi ko naman alam." sabi ko. Tinantsa ko ang tira ko sa ring at tinira ang bola. Pasok. Sinalo ko ang binatong bola sakin ni Stace. "Kung titignan, mas close kami ni Kriza noon pero hindi naman nagsasabi sakin ng sekreto ang taong 'yon. Palagi si Marceline ang sinasabihan nya."

"Eh baka kasi hindi ka kati-katiwala." pang-aasar nya.

"Ang bait bait ko kayang bata noon." sabi ko. "Hindi ko napansin na may gusto pala sakin si Kriza noon. Akala ko yung pagdadamot nya sakin sa iba ay pangkaibigan lang."

"Nagkagusto ka na ba dati?" tanong ni Stace. Umiling ako.

"Focus ako sa paglalaro ng basketball noon kaya wala akong nagugustuhan tsaka ang babata pa namin para sa ganon 'no." itinira ko ang bola sa ring. Hindi naman pumasok yung bola.

"Pero si Kriza nagkagusto sayo." sabi nya na ikamula ng mukha ko. "Lah kinikilig ang putek." binato ko sa kanya ang bola na binigay nya sakin.

"Bwisit ka. Hindi ko lang inaasahan na magkakagusto sakin si Kriza." sabi ko na namumula pa din ang mukha.

"Siguro kasi palagi kayong magkasama noon ni Kriza tsaka impossible ding gusto lang ang nararamdaman nya sayo sa tagal ng gusto na yan." sabi nya. Naguguluhan naman ako.

"What do you mean?"

"Mahal ka na nya." nabigla naman ako sa sinabi nya. "OA ah? may gusto bang tumatagal ng sabihin natin na fifteen years? kasi simula pagkabata eh."

"Pero limang taon din kami hindi nagkita at kinamuhian nya ako." sabi ko.

"Eh kasi nga kinukuha mo ang spot nya. Hindi purkit mahal ka nya, ibibigay nya na lahat sayo. Dapat ibigay mo din kung ano ang gusto nya." ayoko ng isipin na mahal ako ni Kriza pero pinupush naman nito na mahal ako ni Kriza. "At tsaka, anak sya ni Tita Kill at coach Avey, pride na lang nya na may mas magaling pa sa anak ng veteran players."

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now