Chapter 34

15.2K 696 166
                                    


Zaparta's POV

Dahil dalawa lang ang court ng gym, inuna ganapin ang shootout at dunk contest. Naunang sinimula ang shoot out kaya si Justin muna ang pinanood ko lalo na sya ang una. Free throw at three point shot ang gagawin sa shootout contest.

Dito sa Empire Tournament, elimination round ang nangyayari. Pinakamababang score ay syang matatanggal kada round. Kapag nag-tie naman ay may isang shot sila para may matanggal hanggang sa may matirang isa. Sa free throw ay walang oras pero sa three point shot ay may isang minuto para maka-shoot ng madami.

Unang ginawa ang free throw. Naghiwayan kami nung walang palya ang mga tira ni Justin kaya safe na sya sa round na ito, unless lahat sila ay maka-perfect.

"Zap, mag-uumpisa na sila Kriza." sabi sakin ni Marceline kaya naman nilingon ko ang kabilang court. Nagwa-warm up na sila. Ang mga captain ang magju-judge sa kanila one to ten ang scoring.

"Go Kriza!" malanding sabi ni Lesley tapos tumingin pa sakin pagkatapos. Weird na tignan ko sya. Psh!

Dito naman sa dunk contest ay pangatlo si Kriza. Hindi pa naman si Justin sa kabila kaya dito muna ako nanood. Mas mabilis din naman matapos ang turn dito sa dunk.

Nauna si Chariz. Nasa gitna sya ng court habang drinidribble nya ang bola. Sinimulan nyang tumakbo tapos nung malapit na sya sa court ay tumalon sya. Napa-wow kaming lahat sa ginawa ni Chariz. Yung kamay nyang may hawak ng bola ay dumikit sa paa nya. Hanep, sobrang bend non ah! Ipinakita sa malaking screen na niligay sa gilid ang reply ni Chariz. Slow motion na pinakita yung pagkatalon ni Chariz at kitang kita namin na nagdikit ang likod ng palad nya sa paanan nya. What the hell.

Tumingin kami kanila Stace, lahat sila ay nagbigay ng ten score kaya naman naghiyawan ang mga Mušḫuššu. Napalakpak ako sa galing ni Chariz. Sunod ang Qilin. Isa rin sya napa-wow kami dahil binend nya ang dalawang tuhod nya nung nasa ere sya tapos nagawa nya pang mai-dunk ng maayos ang bola. Hanep. Perfect ten din nakuha nya sa limang captain.

Sunod na si Kriza. Nasa gitna din sya ng court. Sinimulan nyang tumakbo na hindi drinidribble ang bola tapos tumalon sya na paikot na nasa likuran ang kamay nyang may hawak ng bola tapos inihagis nya ito, pagkaharap nya yung ginamit nyang kamay kanina ay sya din ang ginamit nya para i-dunk ang bola. Napahiyaw kami sa ginawa nya. Hindi iyon ang prinaktis nya kahapon.

Ipinakita sa screen ang reply. Slow motion na tumalon paikot si Kriza habang inihagis nya ang bola paitaas at pagkaharap nya ay doon nya ipinasok ang bola. Lalong napa-wow ang mga tao nung nakita yung reply. Hanep si Kriza! Naka-perfect ten din sya na ikatuwa namin.

Sa first round ay lahat sila naka-perfect score kaya naman walang natanggal sa kanila. Mukhang hindi madali ang labanan dito sa dunk contest. Ang gagaling nilang lahat. Si Chariz at taga-Qilin ay naka-perfect score ulit sila. Turn na ulit ni Kriza. Nasa gilid sya. Itinira nya ang bola sa ring pero tumama ito sa ring, kasabay non na tumakbo at tumalon sya para saluhin ang bola pero nagulat kami na pinadaloy nya pa ito sa gitna ng dalawang hita nya bago nya ito i-dunk.

Napatayo ang mga captain pwera kay Jak na mukhang nagulat naman. Pinanood ulit namin ang reply. Grabe ang smooth ng pagkasalo ni Kriza sa bola na parang saktong sakto lang sa pagkatalon nya. Isa pa yan, hindi nya prinaktis yan kahapon. 

"Second round perfect ten ang nakuha ni Kriza at Justin. Ayos!" sabi ni Marceline. Hindi ko napanood si Justin sa second round.

Nagtuloy-tuloy ang contest, sa shootout ay may nae-eliminate pero sa dunk contest ay pahirapan. Third round pa may natanggal tapos five round na ulit may natanggal hanggang sa si Kriza at Chariz na lang ang natira. Nakaabot na sila ng tenth round. Sana dito na magkaalaman kung sino ang sa kanila ang mananalo.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now