Chapter 6

17.6K 635 284
                                    



Zoe's POV

"Linnett my friend!" salubong ko sa dating miyembro ng Miracle nung panahon ko at bestfriend ng asawa ko.

"Zoe my friend!" salubong din nya sakin. Nagyakapan kaming dalawa. "Nasaan si Alexa?"

"Nagpra-practice pa. Mamaya pang ala singko uwi non." sabi ko. "Tara muna sa loob." aya ko dito. Nauna akong pumasok sa bahay namin.

"Grabe naman 'yon, ayaw tumigil sa paglalaro parang si Steph." sabi ni Linnett. Natawa naman ako don.

"Nasaan pala yung asawa mong 'yon?" tanong ko. Nakita ko ang bunso kong anak na nagvi-violin. "Baby Alex, dito na Tita Linnett mo." sabi ko. Napatigil ang anak ko at tumingin samin.

"Tita!" sigaw ni Alex at nilapitan si Linnett. Paboritong Tita ni Alex si Linnett dahil sya palagi ang nagkwe-kwento kay Alex tungkol kay Alexa. Gustong gusto ng mga anak kong marinig ang mga kwento namin ni Alexa.

"Hey hey, ang laki mo na ah!" sabi ni Linnett. "Pero baby pa din tawag sayo ng ina mo." sinaway ko sya sa huling sinabi nya. Parang mura kasi.

"Baby nila ako eh!" sabi ni Alex. Eight years old na si Alex. Tatlo ang anak namin ni Alexa. Si Aphrodite na panganay namin, si Aero na thirteen years old na nasa kwarto nya ngayon at si Alex. Lahat ng pangalan nila sinunod ko sa umpisa na pangalan ni Alexa. Pinangalan kasi ni Kuya ang Z sa mga anak nya kaya hindi na ako nakigaya pa.

"Baby, kuha mo muna kami ni Tita mo ng juice." sabi ko dito. Wala kaming kasambahay dito dahil ayoko ng ganon. Hindi malaki ang bahay namin ni Alexa na sakto lang sa pamilya ko.

"Aye!" mabilis na pumunta si Alex sa kusina.

"Nasaan ang anak mo?" tanong ko dito. Naupo kami sa couch sa sala.

"Nasa labas kausap ang Mommy nyang nagpaiwan sa America." sabi nya at umirap sa huli. Natawa ako. "Ayaw pa kasing mag-retire, jusko."

"Ganon talaga kapag malakas pa din." sabi ko.

"Ewan ko ba. Buti pa si Japan tumigil na at nagtayo na lang ng business dito. Gara ng shop pala non, pinuntahan namin kanina para ibili ng bola si Lee. May mga pirma pa ng mga star player. Halatang pinapirma nya para maibenta dito." natawa ako sa sinabi nya.

"Ganon talaga, kahit mayaman na ang mokong 'yon gusto pa magpayaman." sabi ko. "Pero under naman kay Louise." parehas kaming natawa sa sinabi ko.

Hindi nga ako makapaniwala na magkakatuluyan ang dalawang 'yon. Alam kong hindi sumuko si Japan kay Louise pero nagulat ako na magkasama ang dalawa sa America nung papasok na ng NBA si Japan. Ang bilis kumilos ni Japan nung nagkaroon ng problema sina Torey at Louise. Kinuha agad yung chance eh.

At lalong hindi ako makapaniwala na magiging under si Japan kay Louise. Tawang tawa ako nung nagkwe-kwento sakin si Japan sa mga buhay nila ni Louise pero hindi naman mahahalatang ayaw ni Japan ang ugaling ganon ni Louise na minsan lang naman mangyari. Sweet madalas si Louise sa kanya tsaka mahal na mahal talaga ni Japan si Louise na hindi ito umaangal sa mga gusto ni Louise at bonus pa don na nagawa ni Louise tunawin ang yelong Japan. At ngayon nga ay may apat silang anak, ang panganay nya ay nasa Dragon Empire para magtraining na si Lulu. Namana ni Lulu ang pagiging jolly ni Louise pero namana nya ang pagiging magaling na manlalaro ni Japan kaya sa kanilang magkakaibigan, sya ang pinakamagaling.

"Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari satin. Ang gaganda na ng buhay natin na hindi natin inaasahan na sa huli, ganon pala. Example na samin ni Steph na hindi ko aakalain na kami ang magkakatuluyan." sabi ni Linnett.

Nakakagulat din sila. Hindi ko alam kung nag-umpisa 'yon nung nakasama ko sila sa bahay nila Alexa. Madalas na kasing magkasama ang dalawang ito simula non. Akala nga ni Alexa pinalitan na sya ni Linnett sa pagiging bestfriend tapos mababalitaan namin na nagda-date na ang dalawa hanggang sa maging sila bago lumipad si Steph papuntang America para maging isang NBA player.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now