Chapter 24

14.9K 727 347
                                    


Zaparta's POV

"Kriza!" sigaw ko at pinasa sa kanya ang bola. Nasalo nya naman pero mahigpit ang bantay sa kanya ni coach Avey. Pinilit kong lumayo kay coach Ella pero nasusundan nya ako. Nakangiti sakin si coach Ella na tila inaasar ako.

Pumito si Stace na pinapahiwatig na ubos na ang oras para samin. Huminga ako ng malalim nang lumayo si coach Ella sakin. Kinuha nya ang bola.

"Malayo pa kayo sa galing ni Eloi. Paano pa kaya kay Kennie?" sabi ni coach Avey. Walang sumagot samin ni Kriza.

"Yun na muna sa ngayon." sabi ni coach Ella. "May meeting din kami mamaya kasama ang mga Empire Team Coaches. Nasabi na ba sa inyo ang tungkol sa Empire Team?" dagdag na tanong nya.

"Yes, coach." sabi ko. Tumingin ako kay Kriza.

"Hindi pa pero alam ko naman ang tungkol doon." sagot ni Kriza.

"Coach." sabi ko. "Pwede po bang...magtraining ako sa boys?" napatingin silang apat sakin. Napakamot ako ng ulo. "Hindi sa nakukulangan ako sa inyo or hindi ako gumagaling sa inyo, sinabi kasi sakin ni Ate na iba ang training ng ginagawa ng boys at madami daw syang natutunan doon."

"Nagtraining sa boys si Zoe?" tanong ni coach Ella tapos tumingin kay coach Avey.

"Nirequest ni Kill na magtraining si Zoe sa boys kasi nakikitaan nya ng potential si Zoe." sabi ni coach Avey. "Sa totoo lang, si Kill din nag-suggest na itrain natin ang dalawa dahil katulad ni Zoe, gusto nyang gumaling ang dalawa." 

Napangiti ako dahil ganon pala ang tingin ni Tita Kill samin.

"Okay." sabi ni coach Ella. Nanlaki ang mga mata ko.

"Talaga po?" inaasam na tanong ko. Pagkatapos sabihin sakin ni Ate Zoe kung paano sya gumaling sa tulong ng boys ay gusto ko na din magpatraining sa mga boys. 

"Oo, bibigyan kita ng limang buwan para magtraining sa kanila. Ang resulta ng training mo sa kanila ay ipapakita mo sa Empire Tournament." sabi ni coach Ella.

"Yes! Thank you coach!" masayang sabi ko.

"At pagkatapos ng Empire Tournament, balik training ka sakin at dapat magawa mo akong talunin kapag hindi mo ako magawang talunin ay paparusahan kita." napatigil naman ako sa pagdiwang. Kahit naman kasi nasa edad forty na sila coach, ang gagaling pa din nila. Tila mas magaling pa sila ngayon kaysa nung mga bata pa sila.

"Oh bakit ka natigilan dyan?" natatawang tanong ni Stace. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ikaw ba, Kriza? gusto mo din bang magtraining sa boys? nandon ang pinsan mo." sabi ni coach Avey. Tinignan ko naman sya.

"Yes." medyo nagulat ako don pero natuwa din kinalaunan dahil hanggang sa pagtraining sa boys ay makakasama ko sya.

"Okay, magsisimula ang training ninyo pagkatapos ng one year anniversary ninyo dito sa sabado." sabi ni coach Avey. Mag-iisang taon na pala kami dito.

"Isang taon na din pala 'no?" sabi ni Stace. "Ay oo nga pala, may meeting din pala tayo mamaya para sa planong gagawin ninyo sa ika-isang taon ninyo dito." dagdag nya pa.

"Kung ganon naman pala, pwede na kayong umalis." sabi ni coach Avey. "Stace, ikaw na bahala kumausap kay Techin tungkol sa dalawa."

"Okay." sagot ni Stace.

"Thank you po." paalam namin ni Kriza at naglakad kami papunta sa gamit namin.

"Seryoso ka talagang tatalunin mo si Eloi huh?" sabi ni Stace. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now