Chapter 25

15.8K 751 389
                                    


Zaparta's POV

"Zap." tumingin ako kay Marceline. Sya ang katabi ko ngayon dito sa eroplano. Saglit ko lang sya tinignan at tumingin sa labas ng bintana. Narinig ko syang bumuntong hininga. 

Hindi ko sya masisisi, kahit na okay na kami ni Kriza nang dahil ulit sa kanya, dumistansya ako kay Kriza. Hindi ko gusto na si Marceline ang nagiging dahilan ng pagkaayos namin, umaasa ako na magkukusa si Kriza para magkaayos man lang kami dahil gusto nya ako pero masyado syang malamig. Pero hindi lang 'yon ang dahilan kaya ako dumistansya kay Kriza, dumistansya ako para hindi ako masyadong masaktan. Hindi na nga ako nagulat na si Faith ay bantay sarado na kay Kriza dahil kay Lesley na pinapakita na ang pagkagusto kay Kriza. Ang dalawang 'yon ang palaging kasama ni Kriza ngayon.

Sa kwarto naman ay late na ako dumadating, yung tipong alam kong tulog na sila kahit abutin ako ng alas dose ng madaling araw at gigising ako ng mas maaga pa sa kanila kahit na konti lang maging tulog ko. Hindi din ako natutulog sa kama kasama ng dalawa. Humingi ako kutson para sa sahig na lang ako matulog. Sa tatlong araw na nagdaan, ganon ang nangyari sakin.

Nahahalata na nga sakin na hindi na ganon kasigla. Kinakausap ako ni Stace at Marceline kung ano bang problema ko pero nanatili lang ako tahimik. Ayokong magkwento sa kanila dahil paniguradong pipilitin lang nila si Kriza na makipag-ayos sakin. Sabi ko nga, gusto ko sya ang kumusa kahit na abutin kami ng pasko o gaano pa katagal ang abutin.

Ilang oras na lang makakarating na kami sa America. Nagsabi ako kanila Stace na ibukod ako ng kwarto, na hindi ko makakasama ang dalawa. Naintindihan naman ako ni Stace kaya sasabihan nya si coach Avey na mahihiwalay ako sa dalawa. Kung hindi man pumayag si coach Avey ay pwede ako maka-share ng room sa kanila ni Jacky. 

"Zap." tumingin ako sa tumawag sakin. Napaayos ako ng upo nang makita si coach Avey. "Pwede ka bang makausap?" hindi ko alam kung dapat ba ako pumayag dahil baka tungkol naman kay Kriza ang pag-uusapan namin. "This is not about my daughter, don't worry." sabi nya. Mukhang nabasa ang iniisip ko.

"Sige po." sabi ko at tumayo.

Pumunta kami sa pinakadulo at napansin ko na nandon si Jacky at Stace. Iniisip ko kung tungkol ba sa pagbukod ko sa kwarto ang pag-uusapan.

"Okay, first, naalala nyong sinabi ko na hindi tayo sa bahay namin maii-stay?" panimula ni coach Avey.

"Yes po pero hindi ninyo sinabi kung saan tayo mag-ii-stay" sabi ni Stace.

"Yes dahil surprise 'yon pero ipapaalam ko sa inyo." nakangiting sabi ni coach Avey. "Sa camp tayo ng Queer mag-s-stay." nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa dalawa na nabigla din.

"Pero bakit kasama kami ni Zap na sinabihan ninyo? hindi po ba dapat si Lyte?" tanong ni Jacky.

"Sasabihin ko na sa inyo ito dahil baka pagdating natin doon ay hatakin kayo." sabi ni coach Avey na pinagtaka namin. "Jacky at Stace, asahan ninyong magkakaroon kayo ng offer sa Queer."  napa-wow ako sa sinabi ni coach Avey at tumingin sa dalawa.

"Congrats!" masayang bati ko sa dalawa. Shock ang itsura ni Stace na hindi nakapagsalita habang si Jacky ay ngumiti. Aba, maganda pala ito kapag nakangiti.

"Pero..." napatingin ang dalawa kay Stace. "Ayoko pang umalis sa Dragon Empire." malungkot na sabi ni Stace. "Apat na taon pa lang akong naglalaro para sa Dragon Empire, kahit na madami na akong napatuyan sa Dragon Empire, ayoko munang umalis." sabi nya.

Nakakabilib si Stace dahil ang unang laro nya sa Cup ay kasabay na hinirang syang bagong captain ng Dragon Empire. Sya ang pinakabatang captain noon sa edad nyang eighteen. Maraming team na minaliit sya pero pinatunayan ni Stace na karapat-dapat syang maging captain noon kaya dumami din agad ang mga taga-hanga nya noon. Mukha lang hindi captain si Stace pero kapag nasa loob na ng court ay doon makikita na tunay na captain sya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now