Chapter 41

22.4K 724 536
                                    



Zaparta's POV

Ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing na hindi kailangang gumising ng maaga dahil walang training at wala ding gagawin. Pero nung maramdaman kong may katabi ako sa higaan ay gumising ako. Hindi ako nataranta dahil kapag nandito ako ay pumupunta sa kwarto ko ang mga pamangkin ko pero nagtataka ako na hindi sila maingay kaya gumising na ako.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makita si Kriza na nakatingin sakin habang nakatungkod ang siko sa unan at nakapatong ang ulo nya sa kamay nya.

"Kriza!" Masayang sabi ko at niyakap sya. Halos dumagan na ako sa kanya.

Sobrang namiss ko sya kahit na isang araw lang kami hindi nagkita at nag-usap. Nag-message naman ako sa kanya pero hindi sya nag-reply sakin kahit na inaasahan ko na 'yon.

"Akala ko isang linggo kitang hindi makikita." Sabi ko habang nakatingala sa kanya. Yakap-yakap namin ang isa't isa.

"Binisita ni Mommy ang Miracle kaya dumaan na ako dito kasama ang dalawa." Sabi nya. Hinagod nya ang buhok ko.

Napangiti ako at isinandal ang ulo ko sa dibdib nya. Masaya ako na dinalaw ako ngayon ni Kriza. Akala ko talaga isang linggo ko syang hindi makikita.

"Napanood ko ang laban ninyo ni Eloiza." Agad akong lumayo para tignan sya.

"Huh? Paano?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Nag-live si Tyrant. Madaming views so madaming nakakita ng laban nyo." Napanganga ako. What the hell! Bakit hindi ko alam 'yon? "Ngayong alam mo na ang galing ni Eloiza, sa tingin mo ba matatalo mo sya?"

Tumingin ako sa mga mata nya tapos ngumiti. "Walang impossible sa isang Reyes." Motto 'yon ni Ate Zoe at pinanghahawakan ko na ngayon.

"As expected." Sabi ni Kriza. Ngumiti ako at muling sumandal sa dibdib nya. Lambot.

Patulog na ulit dapat ako pero bigla ko narinig ang ringtone ng cellphone na hudyat na may tumawag. Gusto kong mainis dahil makakatulog na sana ulit ako pero si Kriza na ang sumagot ng tawag. Hinayaan ko na dahil alam kong mga kaibigan lang namin ang tumawag. Wala kaya masyadong tumatawag o nag-memessage sakin.

"Nandito ako sa bahay nila." Rinig kong sabi ni Kriza. Tinignan ko sya na nagtatanong kung sino ang tumawag pero hindi nya ako sinagot at ni-loud speaker na lang.

"Kayo ah?" May panunuksong sabi ni Marceline. Napakunot ang noo ko kung ano ang tinutukoy ni Marceline.

"Shut up, anong kailangan mo?" May pagkamasungit na sabi ni Kriza. Ganyan sila ka-close ni Marceline na kaya syang badtrip-in ni Marceline. Kaya hindi ako naniniwala na kami ni Kriza ang close na close noon dahil kung titignan silang dalawa talaga. May sekreto sila na sila lang nakakaalam.

"Yayayain ko sana si Zap lumabas dahil alam kong nasa bahay na naman yan." Sabi ni Marceline.

"Kayo na busy." Sabi ko. Narinig kong tumawa si Marceline.

"Pero dahil nandyan na si Kriza. Wag na lang. Alam ko naman na mas pipiliin mo si Kriza kaysa sakin." Pagdra-drama nya sa huli.

"Drama." Sabi ko.

"Sus! Purkit the feeling is mutual, nakalimutan na ninyo ako. Ganyan kayo eh." Tuloy na drama nya.

"Wow! Sino kaya yung nanguna? Madalas mo ng kasama si Blythe nung hindi pa kami ayos ni Kriza." Himutok ko din. Ako yung nagmumukhang masama kung sya naman talaga yung nanguna.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now