Chapter 42

16.5K 655 293
                                    



Zoe's POV

"Patingin ng list ng players nila." sabi ko kay Rigel. Binigay nya naman sakin ang isang folder na naglalaman ng information ng Meteorite. 

Una ko agad napansin ang logo ng team nila. Halos parehas lang ng design ng logo ng Meteor ang logo ng Meteorite. Sa Meteor ay star na nahuhulo pero sa Meteorite ay stone. Bumaba ang tingin ko sa pangalan ng coach nila.

"Silva." bangit ko sa pangalan nya. "Sinasabi ko na nga ba, Meteorite dahil si Silva ang coach nila." sabi ko sabay tingin kay Ate Kill.

"As I thought." sabi ni Ate Kill.

"Kilala ninyo po sya?" tanong ni Titania. Ngumiti ako sa kanila.

"Yes, kaibigan namin sya." sabi ko sabay tingin sa pangalan ng team nila. "Hindi man lang sya nag-isip ng ibang pangalan ng team, dinagdagan lang ng 'rite'." naiiling na sabi ko. "May team sya dati at ang pangalan ng team nya ay Meteor. Dati akong miyembro ng Meteor at naging coach nila bago ako napunta ng Miracle." sabi ko.

"Wala naman Meteor na team dito." sabi ni Rigel.

"Nasa east side sila ng luzon. Dating nakatira ako sa east at doon ko nakilala ang Meteor." sabi ko. "Masyadong mahaba kung ikwe-kwento ko ang buhay ko don." natatawang sabi ko.

"Zoe." tumingin ako kay Ate Kill. Ngumiti lang ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa nilalaman ng papel.

"Alamin na natin ang kung sino-sino ang miyembro ng Meteorite." sabi ko at ibinalik ang folder kay Rigel. "Pakibasa, hindi ko malipat eh."

Tumango si Rigel at nilipat sa kabilang page ang papel.

"Sylvia Chavez at Asta Chavez, bench player sila sa loob ng limang laban nila. Base sa nakita ko sa laban nila kanina ay parang wala silang pakialam. Si Sylvia ay natutulog lang habang si Asta ay naglalaro ng cellphone nya." sabi ni Rigel.

"Normal na yan." sabi ko. Nagtatakang tumingin sakin ang tatlo. "Lahat kasi ng team na sinasalihan nila ay laging nananalo at hindi nila kailangan maglaro."

"Is that bad news or what?" tanong ni Ate Kill. Ngumiwi ako.

"Bad news. Sila ang source ng pagkapanalo ng team." nakakunot ang noo nila sakin. Nakamot ako ng ulo. "What I mean is, sila ang utak ng team. Sila nag-iisip ng plano, sila nagtra-training sa mga miyembro nila at sila ang ace ng team nila." sabi ko. "In short, mahihirapan tayo sa kanila."

"Anak sila ni Astra hindi ba?" tanong ni Ate Kill.

"Yes, tanda mo nung naging sila ni Silva ay nananalo na ang Meteor sa Mušḫuššu Empire? Kaya naman namana ng kambal ang talino ng mga magulang nila." sabi ko. Ang weird lang kasi nung hindi pa sila ay hinahayaan lang ni Silva na si Astra ang magdedesisyon sa team. Iyong si Astra pa naman tila wala sa katinuan palagi. 

"Kung hindi sila naglalaro, mukhang mahihirapan tayo alamin ang galing nilang dalawa." sabi ni Rigel.

"Kaya bad news ang dalawang yan. Sino pa ang ibang miyembro nila? Kung maaga natin sila matatapos, ilalabas nila ang kambal." sabi ko.

"Isa pang bad news. Abigail Walker. Ang captain ng Meteorite." sabi ni Rigel. Napatingin ako kay Ate Kill.

"Akala ko hindi naglalaro ng basketball si Abi?" tanong ko sa kanya.

"Yun din ang pagkakaalam ko." malamig na sabi ni Ate Kill. Napangiwi ako.

Gusto ni Ate Kill na si Abi ay mapunta sa Miracle dahil sa dugong Walker nito pero sinabi nila Ate Abby na hindi naglalaro ng basketball si Abi dahil focus ito sa pag-aaral. Gusto ni Abi na maging lawyer. Kaya naman nakakagulat na nasa Meteorite ito at captain pa. Inaasahan ko na hindi magca-captain ang isa sa kambal kahit na sila ang utak ng team.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now