Chapter 76

14.3K 571 254
                                    



Aphrodite's POV

"Dite." nilingon ko ang tumawag sakin. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin nya. "Mukhang malapit na maging kayo ni Rigel." sabi nya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan.

"Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa na ikaw nagsabi nyan." sabi ko.

"Wag ka naman ganyan." nilapitan nya ako at inabkayan ako. Nilingon ko sya. Nakangiti sya pero hindi ganong kasaya. "Masakit pero masaya naman ako para sayo." iniwas ko ang tingin mula sa kanya. "At dahil dyan, may gift ako sayo." tumingin ako sa nilahad nya sa harapan. "Trip to Boracay. Dalhin mo si Rigel." Napailing ako.

"As if naman papayagan kami." sabi ko.

"Edi ikaw na bahala don." kinuha nya ang kamay ko at inilapag ang apat na ticket. "Sa lunes na yan tapos ang balik ninyo ay wednesday. May tatlong araw ka pa para mapapayag ang mga magulang ninyo." sabi nya tsaka sya naglakad paalis.

Tumingin ako sa tickets. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Zandy. Alam ko hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin sya sa hindi pagsagot sa kanya ni Rigel at nakikita nya kaming palaging magkasama. Sana lang ay dumating na yung taong magpapasaya sa kanya. Masyadong mabait si Zandy para manatili ang pagmamahal sa taong hindi sya mamahalin pabalik.

Nagtungo ako sa kwarto ng mga magulang ko. Maaga pa kaya siguradong nakatambay sila sa kwarto nila. Nasa pintuan pa lang ako ay nakakarinig na ako ng tawanan. Hindi na ako kumatok pa at binuksan ang pintuan. Kasama nila si Alex.

"Good morning, Ate!" masayang bati sakin ni Alex. Ngumiti ako sa kanya at binati silang tatlo.

"Nagugutom ka na ba at nandito ka?" tanong ni Mama.

"Ma, kaya kong magluto kung nagugutom ako." sabi ko at naupo sa tabi ni Mommy. "May gusto lang akong ipagpaalam."

"Ano naman yon?" tanong ni Mommy.

"Binigyan ako ni Zandy ng plane tickets papunta sa Boracay. Gamitin ko raw 'yon para magpahinga." sagot ko.

"Magkasama kayo?" tanong ni Mama.

"Sama ako!" masayang lumapit sakin si Alex at yumakap sakin. Ginulo ko ang buhok nya at tumingin kay Mama.

"Nope, si Rigel ang gusto nyang isama ko." sagot ko.

"Rigel?" sabay na sabi nilang dalawa ni Mommy.

"Boracay tapos kayong dalawa lang?" paglilinaw ni Mama. Tumango ako.

"Sa tingin ko naman ay papayagan ninyo ako dahil pinayagan ninyo si Aero na pumunta sa Palawan noon." sabi ko.

"Kasama nya ang mga kaibigan nya kaya napapayag kami pero kayong dalawa lang ni Rigel." may alanganin na sabi ni Mama. Well, inaasahan ko na 'to, kung may kasama kaming iba siguradong mapapayag nya ako pero kung kaming dalawa lang ni Rigel, mukhang malabo.

"Yung parents ni Rigel? pumayag na ba?" tanong ni Mommy.

"Kanina lang binigay sakin ni Zandy kaya hindi ko pa nasasabihan si Rigel o ang parents nya." sagot ko.

"At sa tingin mo naman mapapayag mo sila?" naiiling na sabi ni Mama.

"Please?" ginamit ko na agad ang huling plano ko para hindi na masyadong madaming sermon ang mangyayari.

Nakatingin sakin ang dalawang magulang ko. Napatingin pa kami kay Alex dahil ginaya nya ako. Palihim naman akong napangiti dahil tinutulungan ako ni Alex kaya naman sabay kaming nag-please sa mga magulang namin.

"Kapag napapayag mo ang mga magulang ni Rigel, papayag ako." sabi ni Mama at tumayo. "Pero kapag hindi, hindi kayo aalis." dagdag nya.

"Alright." nakangiting sabi ko at tumingin kay Alex. Nakipag-apir ako sa kanya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now