Special Chapter: Welcome back Zaparta

17K 676 352
                                    



Kriza's POV

It's been a four years simula nung umalis si Zaparta papunta sa America para doon ipagpatuloy ang paglalaro ng basketball sa team ng Queer. Hindi sya umuwi ng pilipinas sa loob na apat na taon. Kami ang dumadalaw sa kanya roon. Saktong pagpunta nya ron ay pinagbabawal nang umalis ng bansa ang mga players ng Queer kaya naman kami ang pumupunta sa kanya.

Every three months akong pumupunta sa America para dalawin sya. Malapit lang ang bahay nila Tita Alicia sa Queer kaya hindi na kailangan pa ni Zaparta na mag-dorm sa Queer. Dahil don, mas marami kaming time kapag pumupunta ako sa kanya. Tumatagal lang ako ng isang linggo sa America para makasama sya. Sinasakto ko ring wala silang laro kapag dumadalaw ako. Last time na kasi na pumunta ako sa kanila na may laro sila, sa umaga at gabi lang kami nagkakaroon ng time at saglit pa dahil pagod sya kaya kahit na gusto ko syang mapanood maglaro, mas pinili ko ang makasama sya ng matagal. Pwede ko naman panoorin sa tv ang laro nya.

Next month ay uuwi na silang magpapamilya for good. Umalis na ng Queer sila Sora at Zaparta. Dito na lang daw nila itutuloy ang paglalaro nila ng basketball. Kilalang kilala ang dalawa sa larangan ng basketball sa buong mundo. Maganda kasi ang tandem ng dalawa at nang dahil rin naman kasi sa kanila kaya palaging champion ang Queer.

Nung una naiingit ako dahil may bagong ka-tandem si Zaparta pero habang tumatagal ay iniintindi ko na lang. Sila ang madalas magkasama sa loob ng apat na taon kaya natural lang na close at naiintindihan nila ang isa't isa. Mag-pamilya rin ang dalawang 'yon.

Sa paglalaro ni Zaparta, maraming nagbago sa kanya. Mas lalo syang gumaling na hindi na sya maabutan ni Liza. Si Liza ang pinaka-rival ni Zaparta sa WNBA. Unang taon ni Zaparta sa WNBA ay nalalampaso sya ni Liza pero sa sunod na laban nila ay hindi na sya nagawa pang talunin ni Liza. 

Mas lalong naging unbeatable ang Queer nung dumating sila Blizzard at Eloiza last year. Dahil sa kanila, mas nakilala ang pilipinas sa larangan ng basketball. Marami ng pumupuntang team sa iba't ibang bansa sa pilipinas para makipaglaro sa mga filipino. Madalas mangyari iyon sa Miracle. Ang Miracle pa rin ang nangunguna sa pilipinas kaya ang Miracle ang hinahamon nila. Nagkakaroon rin naman ng hamon sa  tatlong team, mas madalas lang talaga sa Miracle.

Pero kung one on one, bukod kay Dite, marami ring humahamon samin nila Asta, Sylvia, at Kennie. Dahil kami ang madalas makaharap si Dite at nasasabayan ito kahit na madalas kaming talo sa kanya. Kahit na nag-iimprove kami kada Cup, mas nag-iimprove rin si Dite kaya mas lalo syang hindi kayang matalo.

Isang tao lang ang alam kong kayang tumalo sa kanya. Ang taong dati kong kinainisan dahil sa pagiging talented nya sa basketball. Masaya ako na minsan ko na syang natalo pero ngayon, malayo na ang agwat namin dalawa. Mas lalong lumaki ang agwat namin pagdating sa basketball. Mahal ko sya kaya susuportahan ko sya. Kahit na habulin ko sya sa basketball, hindi ko sya maabutan dahil kahit si Mama, sinasabi na ang isang Reyes ay kaya syang talunin. Walang komento si Mommy, nakangiti lang ito sa tuwing pinag-uusapan namin ang pamilyang Reyes. Kahit naman kasi hindi magkadugo si Zaparta at Ate Zoe, kung magkasama silang lumaki, mamamana ni Zaparta ang galing ni Ate Zoe. Kaya nga, sya lang ang may kayang tumalo kay Dite.

"Bwiset ka." sabi ni Marceline sakin at binato sakin ang sinuot nyang mejas.

"Kadiri ka!" sigaw ko at ibinalik sa kanya ang mejas nya. Napatawa naman sya. Kumuha ako ng alcohol at ini-spare sa kamay ko.

"Lah, ang linis linis ng paa ko ah!" inirapan ko lang sya.

"Mahigit dalawang oras mong suot yan tapos sa laro pa. Babaho at babaho mejas mo." sabi ko.

"Hindi kaya." sabi nya at inamoy pa ang mejas nya. Nandidiring iniwas ko ang tingin sa kanya. "Pero bwiset ka ah. Wala kang pagpipigil, kayo ni Bonnie." sabi nya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now